"Anong nangyari beshy? Umalis ka ng nakakalakad. Umuwi ka ng naka wheelchair?"
Inirapan ni Rannasha si Amella ngising aso kasi ang kaibigan na halatang nang aasar.
"Nadulas ako sa banyo. Wag kang malisyosa."
Mataray na wika ni Rannasha upang iwasan ang mapanuksong ngisi ng kaibigan.
"Talaga ba? eh bakit si Khaki nag hatid sa'yo?"
"Syempre andon din siya kagabi at inalok na rin niya ako ihatid. Masama ba?"
Sagot ni Rannasha sa kaibigan na hanggang ngayon kakaiba ang tingin sa kanya.
"Bakit andon siya kagabi? Gosh! Don't tell me ginapang mo siya?!"
Bulalas ni Amella at sinundot-sundot ang tagiliran ni Rannasha.
"Hoy! Hind ah. Saka bakit ba ulit-ulit iyang tanong mo." Anas ni Rannasha sa kaibigan.
"We? Ako pa? Hindi mo ako mapapaniwala beshy. Sa lagay mo na yan hindi ka nadulas. Nabugbog ka sa kama."
Humalakhak ng napakalas si Amella dahil na rin sa naging reaksiyon ni Rannasha.
"Edi huwag ka maniwala, bakit pinipilit ka." Masungit na sabi ni Rannasha.
"Hindi ka makakapag sinunggaling sa akin beshy. Kahit noon pa ay halata sa mukha mo kung nagsisinungaling ka o hindi." Saad pa ni Amella kaya mas lalong sumimangot si Rannasha.
"Buti na lang at wheelchair lang. Hindi sa hospital bagsak mo." Pahabol pa ni Amella.
Inismiran niya na lamang ang mapang-asar na kaibigan. Nakakapag lakad naman si Rannasha mapilit lang talaga si Khaki at gusto siyang pa-upuin sa wheelchair.
Dalawang araw ang lumipas ay bumuti ang lagay ni Rannasha. Ngayon ay patungo siya sa isang sikat na hotel. Inimbitahan ang kanyang ama sa kaarawan ni Doña Margarita . Dahil nasa Europe pa ang kanyang ama at Lianca ay siya ang dadalo sa birthday party ng Doña Margarita.
Nalaman ni Rannasha na Lola pala ni Khaki ang matanda. Kinakabahan siya dahil makikita n'ya muli si Khaki hindi niya maintindihan ang sarili parang siyang excited na makita ang lalaki.
Pagkapasok ni Rannasha sa mismong birthday venue ay namangha siya sa ganda ng loob ng venue. Halatang ginastusan ng bilyon-bilyong salapi. Marami ang bisitang naroon na halatang mula sa mayayamang pamilya.
"Good evening ma'am."
Bati ng lalaking nakatayo sa gilid ng malaking pinto. Ngumiti siya sa lalaki at binati niya rin ito pabalik.
"Hi ma'am, this way po." Aniya ng babaeng lumapit kay Rannasha at iginaya siya nito patungo sa isang table. May tatlong babae ang nakaupo sa silya at abalang nanonood sa babaeng kumakanta sa taas ng mini stage. Sa gitna ng mini stage ay nakaupo sa red Royal chair ang isang matanda.
Kahit matanda na at kulubot na ang balat ay mababakasan sa mukha ng ginang ang angking kagandahan nito.
Paupo na si Rannasha ng biglang bumaling sa dereksiyon niya ang isang babaeng naroon rin sa table.
Nagulat pa ito ng makita siya napansin ni Rannasha ang pagbabago ng reaksiyon ng mukha ng babae.
Tumalim ang tingin nito sa kanya na parang gusto siyang kainin ng buo.
Kumunot ang noo ni Rannasha dahil sa kakaibang titig ng babae sa kanya. Tinaasan n'ya ito ng kilay at inirapan sabay upo sa silya.
"What is wrong with this girl?"
Iritableng sabi ni Rannasha sakto naman bumaling ang isa pang babae sa kanya.
Umaliwalas ang mukha ng babae ng makita si Rannasha.
BINABASA MO ANG
Temptation of Rannasha
RomanceNoong bata pa si Rannasha, may kakaibang nararamdaman si Khaki sa kanya, at hindi niya ito maipaliwanag. Si Rannasha ay inampon ni Xyrish at Styles. Si Styles ay pinsan ni Khaki. Nang umalis si Rannasha para mag-aral sa America, nalungkot si Khaki...