"Baby, mag jo-joke lang naman ako. Binato mo na agad ako ng tsenelas. Sa halip labi mo ang dumampi sa labi ko. Tsenelas ang humalik sa akin."
Reklamo ni Khaki yakap nito kay Rannasha sa baywang mula sa likuran.
"Kapag may ibang tao. Lalo na kapag si kuya Maverick ang nasa harap natin huwag ka magbibiro. Alam mo naman na alaskador yun."
"Sorry na, baby, i-kiss na lang kita para mawala ang init ng ulo mo."
Panay naman ang iwas ni Rannasha ng kanyang mukha. "Ano ba. Hindi mo ako madadala sa mga ganyan mo ha."
"So. . . Ayaw ng baby ko ng kiss, gusto yata romansa. Halika."
"Ay! Hoy ano ba ibaba mo ako." Tili ni Rannasha ng bigla siyang buhatin ni Khaki.
Pinulupot ni Rannasha ang dalawang braso niya sa leeg ni Khaki. Natatakot siyang mahulog, though alam niyang hindi siya bibitawan ni Khaki.
"Ibaba mo na nga ako ang kulit mo."
"Batiin mo muna ako." Parang batang sabi ni Khaki at ngumuso pa ito.
"Sige na bati na tayo. Basta ibaba mo ako." Todo iwas ng kanyang mata si Rannasha. Hindi niya kayang salubungin ang nakaka-hipnotismong mga titig ni Khaki.
Nawalan ng balanse si Khaki kaya sabay silang bumagsak ni Rannasha sa Carabao grass. Sandaling Nagkatitigan ang dalawa bago sabay tumawa ng malakas.
"Ikaw kasi eh, pasaway ka. Sabi ko naman sa'yo ibaba mo ako. Ayan tuloy nadaganan pa kita. Nasaktan ka ba?"
"Ayos lang kahit masaktan ako. Ang mahalaga ay sa akin ka bumagsak." Nakangising sagot ni Khaki at mabilis na hinalikan sa labi si Rannasha.
"Ahem. . ." Sabay silang bumaling sa taong tumikhim.
"Levent!" Tumayo si Rannasha at patakbong tinungo ang lalaki. Niyakap niya ito ng mahigpit ilang linggo rin niya ito hindi nakita dahil busy sa business.
"Hi my sweet cousin. Kamusta na miss kita."
Pinatakan ni Levent ng halik sa pisngi si Rannasha na ikinasimagot naman ni Khaki. Dahil muntik na dumampi ang labi nito sa gilid ng labi ni Rannasha. Kung hindi niya lang ito kilala na pinsan ni Rannasha ay baka tumihaya na ito sa lupa.
Nahuli ni Levent ang matalim na titig ni Khaki. "Relax dude. I'm her cousin."
"Yeah, You are lucky because you are her cousin. Dahil kung hindi ibabaon kita sa kinatatayuan mo." Sabi ni Khaki at tumayo.
"Tsk! Your boyfriend is too possessive, Rannasha. Minsan kadalasan sa masyadong possessive, babaero." Pang-aasar ni Levent.
"Do you have a problem with me? Suntukan na lang tayo, ano." Hamon ni Khaki kay Levent.
"Tss. Tumigil nga kayo para kayong mga bata. At ikaw naman Khaki, mas matanda ka sa kanya. Umayos ka!" Saway ni Rannasha kay Khaki.
"At ikaw naman Levent! Huwag mo siya uunahan. Malakas topak niyan hindi mo kakayanin." Angil niya rin sa kanyang pinsan.
"Sorry sweet cousin. Ang sarap lang biruin ng boyfriend mo. Sorry dude, nag-jo-joke lang ako." Ani ni Levent.
"Ano ba sadya mo? At naligaw ka dito."
"Hindi ba tumawag si tito Reydon sa'yo? Hindi niya nabanggit ang tungkol kay Mr. Dinovan---"
Hindi natapos ni Levent ang sasabihin ng makita nito si Amella. Naglalakad palapit kay Rannasha. Natulala pa ang lalaki habang nakatitig sa mukha ni Amella.
BINABASA MO ANG
Temptation of Rannasha
RomanceNoong bata pa si Rannasha, may kakaibang nararamdaman si Khaki sa kanya, at hindi niya ito maipaliwanag. Si Rannasha ay inampon ni Xyrish at Styles. Si Styles ay pinsan ni Khaki. Nang umalis si Rannasha para mag-aral sa America, nalungkot si Khaki...