Malakas ang hangin at ulan sa labas animo'y may bagyo. Sa bawat patak ng butil ng ulan sa malaking salamin ng sliding window ng kwarto ni Rannasha, ay walang tigil rin ang pagpatak ng luha niya.
Labis niyang dinamdam ang mga salitang binitawan ni Khaki. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganon na lang ang pakikitungo sa kanya ng binata.
"It hurts!"
Mahinang usal ni Rannasha habang pinapanood ang bawat pagdausdos ng tilamsik ng ulan sa salamin ng sliding window.
Nahiga si Rannasha sa mahabang couch sofa malapit sa bintana at patuloy pinanood ang ulan sa labas.
Hanggang sa makatulog si Rannasha ay tumutulo ang kanyang luha.
"Iha, gising na may pasok ka pa."
Marahang inaalog ni nanay Lily ang balikat ni Rannasha. Mahimbing ang tulog ng dalaga sa mahabang couch sofa.
"Susme na bata ka. Bakit naman diyan ka natulog sa sofa. Hindi ka ba nangangalay nakabaluktot kapa. Hay naku." Mahinang usal ng matanda habang inaayos ang school uniform ni Rannasha.
"Bumangon kana diyan at baka ma-late ka. Nariyan na rin ang papa mo, kanina pa naghihintay sa'yo." Muling usal ng ginang.
Walang ganang bumangon si Rannasha nakasimangot ang mukha nito at halatang wala sa mood. "Good morning yaya." Bati ni Rannasha sa matanda. Kinuha niya ang puting tuwalya at dumeretso sa banyo.
"Mukhang masama ang gising ng alaga ko." Umi-iling-iling na sabi ni nanay Lily.
Lunch break habang nag lalakad sa pasilyo si Rannasha patungo sa canteen ay nagbubulungan ang ibang estudyante, at siya ang topic ng mga ito. Biglang nairita si Rannasha, siya talaga ay napupuno na sa mga tsismosa sa paligid niya. Hindi ba talaga siya titigilan ng mga ito.
Nilapitan ni Rannasha ang tatlong babaeng grade ten. "Hoy kayo!" Nabigla naman ang tatlong babae dahil sa pagsigaw ni Rannasha.
"Hindi porket mas matanda kayo sa akin ay hindi ko kayo papatulan. Kapag hindi n'yo ako tinigilan papuputulan ko kayo ng dila, dahil sa pagiging tsismosa n'yo!" Galit na sabi ni Rannasha at inirapan ang mga ito.
"Bakit ang tagal mo dumating beshie. Kanina pa ako dito naghihintay mapapanis na ang pagkain natin, pati mga mata ko titirik na sa gutom." Pabirong saad ni Atarah.
"Sorry beshie." Nakakunot noo na sabi ni Rannasha.
"Alam mo kanina ko pa napapansin simula ng dumating ka kaninang umaga. Bad mood ka, nakasimangot, minsan nagtataray at nagsusungit. Ano bang ganap sa'yo at parang badtrip ka?" Tanong ni Atarah kay Rannasha.
"Wala, sadyang masama lang ang gising ko kaninang umaga." Sagot ni Rannasha sa kaibigan.
"Hindi ako naniniwala, ang mga mata mo namumugto. Akala mo ba hindi ko napansin. Ano ba nangyari Rannasha? best friend tayo, pwede ka mag kwento sa akin." Aniya ni Atarah.
"Si Kuya Khaki---"
"Hi, Can I sit here?"
Naputol ang sasabihin ni Rannasha ng may lalaking nagsalita sa bahaging gilid niya.
Bumaling siya rito ng nagtataka. Ito ang unang beses na may ibang lalaking lumapit sa kanya, maliban kay Brent.
"May kailangan ka?" Masungit na tanong ni Rannasha sa lalaki.
Ngumiti ang lalaki lumitaw tuloy ang mapuputing ngipin at malalim na dimples nito sa makabilang pisngi.
"Masungit ka pala. Pero okay lang dahil mas lalo kang gumaganda. I'm Vance Buenaventura." Inilahad ng lalaki ang kamay nito sa harapan ni Rannasha.
BINABASA MO ANG
Temptation of Rannasha
RomanceNoong bata pa si Rannasha, may kakaibang nararamdaman si Khaki sa kanya, at hindi niya ito maipaliwanag. Si Rannasha ay inampon ni Xyrish at Styles. Si Styles ay pinsan ni Khaki. Nang umalis si Rannasha para mag-aral sa America, nalungkot si Khaki...