II

185K 1.2K 31
                                    

Wala kong readers. --,

ajuju. Comments, please. :3

Keith on the right side. >_> wafu <3

_______________________________

Makalipas ang halos tatlumpung minuto na nakatingin sa pintong nilabasan ni Keith si Miles bago siya tumayo at pumunta sa bathroom.

Nagbabad siya ng mahigit dalawampung minuto bago umahon at nagbanlaw.

Kumuha siya ng maisusuot niya. Napili niyang mag-dress nalang. Isang simpleng summer dress lang ito pero litaw na litaw ang hubog ng kanyang katawan. Backless ito kaya kitang-kita ang likod niyang napakakinis at mala-porselana sa puti. Above the knee ang dress na ito. Tinernuhan niya ito ng brown sandals.

Kumuha siya ng isang shoulder bag na gagamitin niya. Napili niyang kulay orange ang bag niya. Kinuha niya ang mga gagamitin niya. Cellphone, wallet, tissue, panyo, at kung anu-ano pa. Inilagay niya ang mga iyon sa loob ng bag niya. Pumasok muna siya sa cr para makapag-tooth brush. Pagtapos ay nagpunas siya ng mukha. Tiningnan niya ang repleksiyon niya sa salamin. Ta-tatlong araw pa lamang ang nakalipas pero parang tatlong taon na.

Hindi naman haggard ang itchura niya pero hindi rin naman matatawag na fresh. Sakto lang. Pero pakiramdam niya ampangit pangit niya.

Paano ba naman kasi, matapos ang tatlong gabing magkakasunod na magkasama sila ni Keith, bigla nalang siyang iniwan nito. Pero mas nasaktan siya sa sinabi nito kanina sa kausap nito na 'di naman importante ginagawa namin.'

Pakiramdam niya maiiyak na siya. Katulad ngayon. May parang bara sa lalamunan niya. Masakit sa lalamunan at parang maiiyak na siya. Pero pinigil niya ang sarili niya. She stayed inside the cr looking at herself until she already composed herself.

Lumabas na siya ng condo unit ni Keith. Habang naglalakad siya sa hallway, she feel so alone. Nagmadali nalang siyang makarating sa elevator.

**FASTFORWARD

Nakarating na rin siya sa wakas sa condo unit ni Elise. Nag-doorbell siya ng mga tatlong ulit.

Nagtagal pa ng mga ilang minuto bago siya pinagbuksan ni Elise.

"What the hell do you think you're do-" Napatitig ito sa kanya at halatang nagulat pa na makita siya doon. "Miles! What are you doing here? Where have you been? I've been contacting you for the last three days! Saan ka ba nagsusuot?" sermon nito sa kanya.

Ngumiti lang siya ng tipid. Tila nakahalata naman ito na may problema siya.

"Tara, pasok ka muna." Pumasok siya sa condo unit nito. Dumiretso siya sa may sofa at pasalampak na nag-indian sit doon.

Tumabi maya-maya si Elise sa kanya.

"So, tell me. Anong problema? Anong nangyari at three days kang nawala? Saan ka nagpunta?" sunud-sunod na tanong nito sa kanya.

His Sex SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon