XII

87.6K 470 24
                                    

I like your feedback, guys. :) Pero wag niyo kong madaliin. Ang dami kong story na tina-type dahil mahigit sa dalawa ang accounts ko. HAHAHA.

________________________

"Darn it," Huminga siya ng malalim para huminto naman ang mga luha niyang ayaw magpaaway. Todo pahid si Miles sa mga luha niya. Nakakatatlong box na siya ng kleenex kakapahid ng luha at kakasinga niya. To think na wala pa ang dalawang tinext niya ng lagay na 'yun.

Kanina pa niya pinipigilan ang sarili niya sa pag-iyak pero pesteng mga luha 'yan, ayaw makisama. Para tuloy nagbukas na dam ang mga mata niya. Dapat siguro bimpo, ay mali, towel ang hawak niya kesa tissue para mas tipid. Patayo na siya ng may mag-doorbell kaya naman lumapit siya sa pinto ng condo niya.

She saw someone na hindi niya ine-expect.

"Wh-what are you doing here?" nauutal na tanong niya.

Sumilip ito sa loob ng condo niya. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

She cleared her throat first before moving aside. Pumasok naman ito kaagad at at home na umupo sa sofa niya.

"You didn't answered my question." tanong niya na halos ma-utal pa siya. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan.

"Ayaw mo ba na nandito ako, Miles?" mula sa pagmamasid sa loob ng unit niya ay tumingin ito sa kanya.

"H-hindi naman sa ganu'n kaya lang-"

"Oh, I know that you would want me to be here." ngumiti pa ito sa kanya.

Hindi niya malaman kung papaano siya ngingiti ng hindi magmumukhang pilit, natatae o magmumukhang tanga dahil alam niya naman na nagpipigil siya ng luha niya.

Si Keith na naman ang naiisip niya. How he smiled at Jen, how he fed her, how he laughed with her, how he touched her, how he kissed her cheek, how he touched her hair.

Tumalikod siya at pumunta sa kusina para hindi mahalata na naiiyak na siya.

"I'd like a glass of pineapple juice, Miles." tumango nalang siya dahil naiiyak na talaga siya.

Nagmamadali siyang nagbukas ng ref at kumuha ng pineapple juice bago nagsalin sa baso. Inilapag niya ang baso dahil nanginginig ang kamay niya. Itinakip niya ang kamay niya sa bibig niya para pigilan ang anumang ingay na maaring kumawala sa mga labi niya dahil sa tuluy-tuloy na agos ng luha niya.

Masyadong masakit para mapigilan niya ang bugso ng damdamin niya. Masyadong masakit para pilitin niya ang sarili niyang ngumiti at magmukhang masaya.

"Miles," napalingon siya ng may tumawag sa kanya. Dahil bigla siyang lumingon, natabig niya ang basong may pineapple juice. It spilled on the ground, while the pieces of the broken glass was scattered on the ground.

"I-I'm s-sorry-" umakma siyang dadamputin ang mga piraso ng basag na baso pero pinigilan siya nito.

"Ako na. You are not in shape to do that." napayuko nalang siya. "Pumunta ka muna doon. Maupo ka at baka mag-collapse ka pa diyan."

Sumunod naman siya at pumunta na sa may sala at naupo sa sofa.

Nanginginig nga siya, ngayon niya lang na-realize. Nginig na halos gapangin niya na ang pagpunta sa sofa sa may sala dahil nanginginig maski ang mga tuhod niya.

Daig niya pa ang kinikilig na nagje-jelly jelly ang mga tuhod.

Siguro dala ng nerbiyos, sakit, galit, pagmamahal, pagkagulo ng isip niya at marami pang iba. Mga emosyon na naghalu-halo sa kanya. Emosyon na nagdudulot ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanya. Masakit. Sobrang masakit na parang gusto na niyang dukutin ang puso niya mula sa dibdib niya para matanggal na ang anumang sakit na nararamdaman niya habang sobrang lakas ng pagkabog ng sarili niyang puso sa kanyang dibdib.

Hindi niya na napigilan at napahagulgol na siya. Naramdaman nalang niya na may tumabi na sa kanya.

"Your mom didn't told me na ganito pala ang nangyayari."

"I'm sorry," sa pagitan ng mga hikbi ay nasabi niya.

"Don't be." Medyo pagalit na sabi nito. "Nasaan ba ang asawa mo?"

Lalo lang siyang napaiyak nang ipaalala nito si Keith.

"Nag-away ba kayo?" iyak lang ang isinagot niya kaya naman niyakap na siya nito.

-------------

As soon as natanggap niya ang text message ni Miles, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Doon nalang siya makikiligo sa condo unit nito. Kumuha siya ng t-shirt at ng ilang damit na gagamitin niya pag nakiligo na siya doon.

He looked at the other side of the bed and he gritted his teeth.

He stormed outside of his house and drove to Miles' condo unit.

Sigurado siyang may problema si Miles. Siguradong sigurado siya.

---------------

Sa pagmamadali niyang makalabas, nahulog niya pa ang cellphone niya. Pagkakuha niya ay may basag iyon.

"Shit," she cussed. Napatakbo na siya papalabas ng bahay niya at sumakay na ng kotse niya. She gotta come to Miles' view. Baka kung ano na kasi ang nangyayari sa babaeng 'yun.

May pagkapraning pa naman minsan si Miles.

And, goodness! Ilang linggo itong walang paramdam pagtapos ay ganoon ang gagawin nitong text message?

Maloloka talaga siya kay Miles, evaaaah!

_____________

Gotta sleep. Leave comments, and suggestions. Pwede rin magtanong pero depende na sa'kin kung sasagutin ko. Wag din mag-rush sa update, howkie? Nakaka-stress phf0uwsxz. May karugtong 'to. HAHAHA. Tomorrow.

**next

His Sex SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon