"Miles," tawag niya dito.
"I said 'no'!"
"Babe naman,"
"Tumahimik ka!"
"Sige na kasi, bati na tayo diba? Please?" pakiusap niya pa.
"Titigil ka o sa sahig ka matutulog?" agad niyang itinikom ang bibig.
Dumaan ang ilang sandali ng katahimikan, mga five seconds.
"Hindi naman kasi ganu'n 'yun katulad ng pagkakaintindi mo, Mil-" basag ni Keith sa katahimikan pero agad din siyang binara ni Miles.
"I said, shut up!"
"But I can explain!" pilit pa ni Keith.
"No!" bulyaw ni Miles.
Napabuntong hininga si Keith. Umupo siya sa tabi ni Miles sa kama. Nakakunot ang noo ni Miles at nakacrossed arms kahit nakapikit.
Mali kasi ng pagkakaintindi ito.
Akala kasi ni Miles ay other woman niya si Len!
Napabuntong hininga siya.
Kapag nakabalik talaga sila sa Manila, masasapak niya si Len.
Imagining himself na three na walang kiss galing sa asawa niya, he feels like dying already. Nakaka-addict kasing halikan si Miles.
Sana lang talaga at tumawag si Len para ito mismo ang magpaliwanag sa asawa niya.
Tanghaling tapat naman kasi tatawag tawag pa! Anong gusto mo? Sa gabi pa? Edi lalo nang nagalit si Miles? sa isip isip lang ni Keith.
Napabuntong hiniga ulit siya. Bakit ba paulit-ulit ang pagbubuntong hininga niya? Nauubusan na ba ng oxygen ang kwentong 'to kaya puro hinga nalang ang ginagawa niya?
Pagbabalakan niya na talagang patayin si Len.
**All my friends are coming over
And I hope nobody told her**Pakiramdam niya ay nabuhayan siya ng dugo ng may tumawag ulit sa cellphone niya na hawak pa rin ni Miles hanggang sa mga sandaling iyon.
Nakita niyang dumilat si Miles at itinaas ang cellphone niya para siguro tingnan kung sino ang tumatawag.
**She has a way of turning sunshine into rain
I’ve got on that shirt she hates**"Len na naman?" angil ni Miles at tiningnan siya ng masama.
Napangisi naman siya. Napansin niya na lalong kumunot ang noo ni Miles.
BINABASA MO ANG
His Sex Slave
RomanceKeith loves to play games. But, when will he stop playing with Miles' and his feelings?