X

101K 538 56
                                    

Dedicated kay ate Ellaine. Hi, ate, happy birthday! You know that I love you, right? Pakain naman dyan! *o* sorry, late XD

Oh, and sorry for the slow update. Ang dami ko kasing inaway these past few days, eh. :D

And...Bakit niyo gustong magkatuluyan si Miles pati si Keith? Eh, akin si Keith? HAHAHAHA.

-authornakontrabidaperomagandangDyosa.

_________________

Bakit ba sa lahat nalang ng gagawin niya kelangan may kapalit?

Bakit ba kasi kailangang mauso pa 'yung lahat ng bagay may kapalit?

Bakit kasi hindi na uso 'yung 'libre' ngayon?

Bakit kasi kailangan na lahat may kapalit?

Hindi ba pwedeng masaya nalang sila lagi?

Hindi ba pwedeng wala nalang manggugulo?

Hindi ba pwedeng...hindi ba pwedeng parang sila lang sa mundo?

Tumulo na naman 'yung luha ni Miles na kanina niya pa pinipigilan.

Nasa Manila na sila ni Keith, and he just dropped her on his condo unit before leaving. Ni hindi man lang nakuhang magpalit ng damit. Hindi nga sila nag-usap sa buong durasyon ng biyahe. Ibinaba lang ni Keith ang mga gamit nila at lumabas na. She was dead worried kaya naman sinundan niya ito. Akala niya kasi ay kung ano na ang nangyari dito at kung saan ito pupunta.

Akala niya business ang pupuntahan ni Keith. Akala niya importante ang pupuntahan nito tapos eto pala?

Why, she is important for him indeed, sarkastikong sabi niya sa isip niya.

They look so happy together, bakit pa siya manggugulo? Ayaw niyang maging hadlang para sa ikaliligaya ni Keith. He wanted to be with Jen, kaya para saan pa at papagitna siya sa dalawa?

Hindi naman siya kailangan ni Keith. In the first place, bed warmer lang naman kasi ang posisyon niya.

Babaeng naaalala lang naman ni Keith dahil sa init ng katawan nito. 'Yung nangyari sa vacation house? Ano 'yun? Wala, isa sa mga sandali na nalalasap niya kung paano siya mahalin ni Keith. Oh, scratch that, kung paani mahalin ni Keith ang KATAWAN NIYA. Paano naman na hindi babaling sa kanya si Keith, eh, silang dalawa lang naman ang nandoon?

Hindi ba at iyon lang naman ang ginawa nila doon? They had sex. Sex and just pure sex. Nilinaw sa kaniya ni Keith iyon. Before the wedding, at her mom's garden.

What was holding her back? Bakit ba hindi nalang niya hayaan si Keith? Kaya niya namang sabihin sa mga magulang nila iyon. Kung bakit hindi mag-work out ang relasyong mag-asawa nila. Ang dali lang namang sabihin na hindi niya kaya pakisamahan si Keith, though that would be a big lie. She can't get enough of him, she'd say? Edi hindi sila pinaghiwalay lalo. Ayaw niya naman na sabihing iba ang gusto ni Keith. Kahit na inis na inis siya kay Keith, ayaw niya naman na mapasama ito.

His Sex SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon