Inaaway nila si Keith ko, siraulo kasi to si Miles, eh. Nadamay tuloy si Keith my labs T^T anyway, nabasa ko ulit yung 'KeiLes' nung nagview ako ng wagas ng comments. Bakit ba galit na galit kayo kay Keith?! Haha! anyway, Hi, @AwkwardFrostling. :] KeiLes forever daw. XD
Happy reading, guys.
_________________________
sinundan lang ni Miles ng tingin ang pagbukas ng pinto.
"Bakit ang tagal mo?" Ngumiti siya ng pilit kay Mike na pumasok sa loob ng kwartong kinaroroonan niya.
"Ah... " nag-iwas ng tingin si Mike, hindi iyon nakatakas kay Miles dahil kilalang kilala niya ito. "May ginawa lang."
Lumapit ito at iniabot sa kaniya ang baso ng gatas na inabot niya naman.
"Yung gatas na yan ikaw umubos nyan." Turo niya sa gatas na may sleeping pills. Namilog ang mga mata ni Mike sa gulat. Natawa si Miles, "Joke lang."
Tiningnan niya ng matiim si Mike na umiling matapos siyang tumawa.
"Bakit?" Takang tanong ni Mike na medyo naiilang sa tingin niya.
"May tinatago ka sa akin, eh." Uminom siya sa gatas na dala ni Mike.
Parang inahin na hindi naman mapakali si Mike at alam niya naman na hindi manhid at bulag si Miles para hindi ito mapansin. Gayundin naman ang reaksiyon ng puso niya, ang lakas ng tibok, parang hindi siya makahinga sa kabang nararamdaman niya.
"W-wala ah." Deny niya pa habang hindi pa rin mapakali.
"Mike, hindi naman ako manhid." Sumimsim ulit siya ng gatas. "Diba kayo na ni ano?" Tumaas bumaba ang kilay ni Miles.
Kumunot ang noo ni Mike.
"Nino?" Naguguluhang tanong niya. Medyo nabawasan na rin ang kaba niya dahil iba naman pala ang sinasabi nito sa nasa isip niya.
"Si ano! Alam mo na yun!" Miles wiggled her eyebrows again. Napailing nalang si Mike sa sinabi ni Miles.
Bumuntong hininga si Mike, "Let's get serious here, Miles," ani Mike.
Uminom muna ulit si Miles sa gatas niya. "Urgent ba yan? Hindi ba pwedeng next time nalang?"
"Miles," saway ni Mike.
"What?" Maang maangan niya pa.
"Are you trying to run away?"
Hindi sumagot si Miles at napatitig lang sa gatas niya, kalahati na ito sa baso at mainit init pa ng kaunti. It's not fresh milk, this time, powder na itong dala ni Mike.
"Naligpit na ba yung gatas kanina? Naalala ko na may dala nga pala akong gatas kanina." Aniya at muling uminom sa gatas na dala ni Mike.
"Before you passed out? Yes, niligpit na yun kanina."
Ngumiti siya ng tipid, "Great! Great..."
"Miles," sighed Mike. "I know it hurts. But you need to hold unto Keith, do you understand me?"
"Mike, pinsan ba talaga kita? Ginagago na ako ni Keith! Ang sakit na nga, diba? Bakit? Bakit ka ganyan? Kanina iba naman yung gusto mong mangyari, I know na iba." Inangat niya ang tingin niya mula sa gatas papunta sa mukha ni Mike. Nginitian niya ito ng tipid bago uminom ulit, hoping that it would remove the invisible barrier in her throat.
"Miles, pinsan mo ako that's why I am doing this." Hinawakan ni Mike ang kamay niya at pinatjngjn siya rito. "No matter what happens, hold unto Keith, okay? Kapag sobrang sakit na at hindi mo na talaga kaya, lapit ka sa akin, kahit na mali pa yan, tutulungan kita. Ilalayo kita sa mga makakasakit sayo. Do you understand me?"
"But Mike―"
"Do you understand me?" Ulit nito sa tanong nito.
Wala na rin namang nagawa si Miles kung hindi ang tumango. If ever that time comes, sana nga ay matulungan siya ni Mike.
"I love you, Miles," ani Mike.
Nginitian niya si Mike, a genuine one. "I love you, too, Mike," niyakap niya ito habang hawak pa rin ang baso ng gatas.
********
Nag-iigting ang mga bagang na isinara ni Keith ang pintuan ng kwarto niya. Gusto niya sanang makita si Miles but a stupid sweety-sweet scene suddenly appeared the moment he opened the door.
'I love you, huh?' He thought.
Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.
"Where's Jen?" Tanong niya kay Lhan na nakita niyang nakaupo at umiinom ng orange juice sa may sofa.
Tinaasan siya ng kilay ni Lhan, "Hanapan na ba ako ngayon ng stupid trash, darling?" Anito bago sumimsim sa hawak na baso ng juice.
"Lhan," saway niya rito bago niya hinilot ang bridge ng ilong niya, sumasakit ang ulo niya sa mga nangyayari.
"Hi, Honey! I heard you are looking for me!" Ani Jen na biglang sumulpot mula sa komedor.
"Oh, speaking. The female dog is here." Sabi ni Lhan sa kaswal na tono. Inignore niya ang irap sa kaniya ni Jen.
"We need to talk, Jen." Sabi ni Keith sa seryosong tono.
Ilang sandali siyang tiningnan ni Jen bago ngumiti, "Anytime, Honey."
"Gosh! Makaalis na nga! Nakakasuka yung daig pa ahas kung makalingkis at daig pa yung tuko kung makakapit." Ani Lhan. Tinaasan siya ng kilay ni Jen na tinaasan niya rin ng kilay bago bumaling kay Keith. Lumapit siya at humalik sa pisngi nito, "Tell Tita Krista and Tita Alice na nauna na ako, darling." Ngumit pa siya ng matamis bago inirapan si Jen at tumalikod na. Inilapag niya ang juice niya sa center table bago lumabas ng bahay nina Tita Krista.
"Stupid Jen...," she murmured. "Kung hindi lang siya kailangan ngayon, I could've murdered that female dog. Tch."
_______________________
Mamamatay na ata ako sa antok. Haha, charot. Kvye, guys.
Unedited, typed on mobile.
**next
BINABASA MO ANG
His Sex Slave
RomanceKeith loves to play games. But, when will he stop playing with Miles' and his feelings?