VI

107K 1K 123
                                    

Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Miles pero hindi niya alam kung para saan. She got this feeling na may mangyayaring hindi maganda. Natatakot siya, nalilito at naguguluhan sa reaksyon ni Keith. Hindi niya alam kung ano ang ipinagkakaganoon nito.

Papunta sila sa tapat ng isang land rover na itim. Nakapagtatakang tahimik ang paligid gayong maraming naglalakad dahil sa gilid ng daan nakaparada ang sasakyan ni Keith. Ito rin ang sasakyan na ginamit nila nu'ng umuwi sila noong araw ng kanilang kasal.

Di yata at kapag sumasakay si Miles dito, dama niya ang galit ni Keith. Katulad na lamang ngayon.

"Get in," utos nito ng buksan ang pintuan sa may passenger seat. Ng makalipas ang limang segundo at di pa rin siya pumapasok, itinulak siya nito papasok. Keith is really harsh, huh?

Hindi nalang umimik si Miles. Pabagsak na isinara ni Keith ang pinto sa gawi niya.sa sobrang lakas ay muntik pa siyang mapangiwi dahil pakiramdam niya ay bumagsak ito sa mismong tenga niya. She fought the urge to touch her ear.

Umikot si Keith papunta sa driver's seat bago binuksan ang pinto at pabalibag di na ibinagsak.

Kung sa ibang pagkakataon siguro, she'd say that Keith was a gentleman. But the way he acts now? She couldn't.

Halos mapatili si Miles ng simulang magpatakbo ni Keith papunta sa kung saan.

Ang bilis magpatakbo ni Keith! Animo nakikipag-karera ito sa sobrang bilis ng pagpapatakbo sa sasakyan. Buti na lamang at naka-seatbelt si Miles. Pinagsalikop niya ang mga nanginginig niyang kamay at pumikit.

Parang gusto niya tuloy magdasal ngayon. Hindi siya mapakali dahil sa pagpapatakbo ni Keith. Parang nililipad ang kaluluwa niya. Parang ipinako na siya sa kinauupuan niya. Rinig na rinig niya ang pagrerebolusyon ng makina. Kung anu-ano tuloy na na-iimagine niya.

She feels like imagining how they'd end up with the kind of speed Keith was using right now. Her mind was full of 'what ifs'

What if maging madulas 'yung daan?

What if bumangga sila sa puno?

What if may mabunggo si Keith sa sobrang dilim at sobrang bilis ng pagpapatakbo nito?

What if may makasalubong silang truck?

What if may isa pang rumaragasang car ang maka-encounter nila?

Tumataas ang mga balahibo niya sa buong katawan sa takot dahil sa mga iniisip niya.

Ganoon na lamang ang pagpapasalamat niya nang unti-unti ay bumagal ang pagpapatakbo ni Keith sa sasakyan. Napadilat siya. Matagal din pala ang binyahe nila ni Keith dahil madilim na nang tumingin siya sa labas.

Unti-unti niyang pinakawalan ang hiningang hindi niya alam na pinipigilan niya na pala.

Naging normal man ang paghinga niya, hindi pa rin naman nawawala ang kabog sa dibdib niya.

Nakahinto sila sa isang lugar na hindi niya naman alam kung saang lupalop ng Pilipinas.

His Sex SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon