Hi, @theDuckling! thanks po sa pagco-comment sa halos lahat ng chapters ng HSS. XD
keep reading, guys.
____________
"Miles!" napalingon siya kay Keith na kakalabas lang sa banyo. "What are you doing?"
Kumunot ang noo niya pagkakita kay Miles na may kung anong ginagawa sa laptop niya.
"Just checking things out." ibinbalik ni Miles ang tingin sa laptop niya at kung anu-anong pagti-tipa ang ginawa doon.
"Miles," he said with a warning tone.
"Ano? Sige, ano? 'Tong laptop mo? Gusto mo ihagis ko sa'yo?" tinitigan nalang siya ni Keith dahil alam niyang hindi ito nagbibiro.
Kumukulo naman ang dugo ni Miles na parang umaabot n boiling point. How dare he use that tone on her? Bakit, may itinatago ba ito sa laptop nito? Siguro may kapalitan ito ng emails.
Naniningkit ang mga mata niya habang hinihintay na mag-loading ang yahoo sa browser ng laptop ni Keith.
Hindi niya malaman kung mabilis lang ba talagang maligo si Keith o talagang ang bagal lang na mag-open ng laptop nito.
She heard him sigh at nang mag-angat siya ng tingin ay nagbibihis na ito sa harapan niya. Namula siya ng walang pakundangang tanggalin nito ang towel na nakatapis dito. Ibinalik niya ang tingin sa laptop nito at paulit-ulit na iniisip
'May babae siya, kelangan kong i-check. May babae siya, kailangan kong i-check. Galit ako, galit ako.'
Pero hindi niya rin mapigilan ang sarili na sumilip habang nagbibihis ito. Hindi kaya magkakuliti siya sa ginagawa niya? Eh, bakit ba? Asawa niya naman ito saka nakita na niya lahat 'yan!
'Yun na nga, nakita na niya pero bakit pa rin siya namumula? Siguro dahil hindi sapat na nakikita niya ngayon dahil gusto niya pang hawakan?
Lalo naman siyang namula sa iniisip niya kaya ibinalik niya na ang focus niya sa laptop nito.
Nagulat siya ng may biglang message na lumabas.
'From: Patrice Salazar'
Naningkit ang mga mata niya. Sinasabi na nga ba niya at may babae talaga si Keith! Pero parang familiar 'yung pangalang Patrice. Saan na nga ba niya narinig iyon?
'Sige, punta ko....Nah. Di naman importante ginagawa namin...Yeah...Oo, papunta 'ko. Hintayin niyo nalang ako....Si Patrice? Andiyan? Sige, sige. Pakisabi parating na 'ko. Oo. Ge.'
Patrice din 'yung pangalan nu'ng binanggit ni Keith dati. 'Yung araw na binitbit siya nito sa vacation house sa Tagaytay.
Nanggigigil na binasa niya ang message nu'ng Patrice.
'Sir, here are the list of the essential producers and manufacturers that we need to talk to.
BINABASA MO ANG
His Sex Slave
RomanceKeith loves to play games. But, when will he stop playing with Miles' and his feelings?