"Hey, Babe," Miles called Keith. Mula sa laptop nito ay pumunta ang tingin nito sa kaniya. "What should I wear?"
Naasiwa siya ng hagurin siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Okay na 'yan." sabi nito at muling ibinalik ang tingin sa laptop nito.
Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito.
"Keith!" sigaw niya dito. When he looked at her, he got that bored expression in his face. She feels like kicking him in the face at this very moment.
"What?" untag nito ng titigan niya lang ito ng may ilang sandali. Dumaan ang ilang sandali ng katahimikan. Ibinaling nito ulit ang tingin sa laptop nito.
Padabog na pumasok siya sa bathroom. Naiinis siya kay Keith dahil mas inuna pa nito ang pagla-laptop kesa tulungan siyang pumili ng isusuot niya.
Sa labas kasi sila magla-lunch ni Keith. Kanina niya pa nga sinabihan ito na maligo na dahil excited talaga siyang kumain sa labas. Nang mga nakaraang araw kasi ay hindi ganoon ang nangyari. Sa labas niya gustong kumain ngayon para naman masinagan na siiya ng araw.
Apat na araw na silang nagkakulong ni Keith sa suite nila. Doon na sila nagbe-breakfast, lunch at dinner! At sawang-sawa na siya sa mga nakikita niya sa loob ng suite nila. Nakabisado niya na nga ang mga nakalagay doon.
Gusto niya namang makalanghap ng hangin sa labas. Ni hindi kasi siya pinapapunta ni Keith maski sa veranda. Oh, you can guess kung saan lang sila lagi.
It's either on the bed or on the bathroom.
Binuksan ni Miles ang shower matapos hubarin ang bathrobe na suot niya kanina.
Nakabathrobe siya kaninang lumabas ng banyo dahil nakalimutan niyang wala pa nga pala siyang isusuot. Paglabas niya nga ay naabutan niya pang nakahiga at may kung anong kinakalikot si Keith sa laptop nito. Nainis pa nga siya dahil sinabihan niya na ito na mag-ayos na bago siya pumasok ng banyo. Pinabayaan niya nalang ito dahil naalala niya ang damit niya. Excited talaga siya kaya naman agad niyang hinalungkat ang maleta niya.
Pero nabwisit lang siya dahil hindi siya makapili ng isusuot. Lalo naman nang sabihin ni Keith na kahit ano nalang ang isuot niya.
Sa pagkakatanda niya kasi ay wala naman siyang nadalang 'kahit ano' na damit. Idagdag pa na mas tutok ito sa kung anong ginagawa nito sa laptop nito. Nakakabanas lang talaga.
"Nakakainis!" sigaw niya habang nasa ilalim ng dutsa.
She rolled her eyes at inirap-irapan pa ang tiles sa harap niya.
Gusto niya nang sapakin si Keith dahil sa pagkabwisit niya dito.
Sinadya niyang tagalan ang paliligo niya para mawala naman kahit papaano ang pagkainis niya kay Keith.
Buti nalang talaga at nauna na itong naligo.
BINABASA MO ANG
His Sex Slave
RomanceKeith loves to play games. But, when will he stop playing with Miles' and his feelings?