XXXI

70.7K 330 7
                                    

 Umahon na sila sa pool at madaling kinuha ni Miles ang tuwalya at inihagis kay Keith.

Nakakailang kasi kapag napapatingin siya sa ibabang bahagi ng katawan nito.

Pakiramdam niya ay daig pa niya ang kamatis sa sobrang pagkapula niya.

Na'gmamadali rin niyang binalot ang sarili niya ng robe at iniwan si Keith doon na sumunod naman sa kaniya.

Parang hindi niya kayang tumingin kay Keith habang nasa public place sila dahil pakiramdam niya ay magagahasa niya ito.

Halos manlaki naman ang ulo niya sa naisi niya.

Magahasa? Ako pa ang gagahasa kay Keith? parang maski siya ay hindi rin makapaniwala sa naisip niya.

Napa-praning lang siguro siya o talagang nababaliw lang siya. Nababaliw kay Keith.

Shucks! parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan niya sa kakornihang naiisip niya.

Ganito lang talaga siguro kapag nawi-windang pa dahil sa halik ng mahal niya. She wanted to grimace. Bakit ba ang corny niya ngayon?

Ang baduy-baduy niya and she so hated it!

Padabog siyang pumasok agad sa elevator ng bumukas iyon, buti nalang at walang tao. Agad na pumasok si Keith dahil no choice na rin naman ito since pasara na ang elevator unless siyempre gusto niyang maiwan para makipaglandian sa mga babae na nakatingin dito kanina kahit na kitang-kita naman na may kasama ito at asawa pa nito.

"Bakit ka nakasimangot?" naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya mula sa likod.

Kulang nalang kasi ay idikit na niya ang sarili sa pinto ng elevator para lang makalayo dito sa kadahilanan na hindi niya rin naman alam.

"Paki mo ba? Lumayo ka nga! Ang init na nga dumidikit pa!" binaklas niya ang mga braso nito na nakayakap sa bewang niya pero binalik lang din nito iyon.

Inapakan niya ang paa nito sa inis.

"Aw!" he shouted at bumitiw na sa pagkakayakap sa kaniya.

"Sabi naman kasing bitiw." irap niya dito.

"Damn it, Miles!" he was still shouting at kita niya ang sama ng tingin nito sa kaniya sa reflection nito sa pintuan ng elevator. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Hindi ba dapat nga nagpapasalamat ka pa na at least hindi ako naka-heels?"

Napabuga ito ng hangin dahil sa sinabi niya.

And so? Pakialam naman niya kung ito pa ang magdulot ng air pollution sa loob ng elevator dahil sa sunud-sunod na buntong hininga nito? At pakialam rin ba niya kung ang sama ng tingin sa kaniya kanina ni Keith dahil iba naman ang natamaan niya ng bumwelo siya para apakan ang paa nito?

His Sex SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon