Chapter 5

10.6K 323 26
                                    


Mabilis akong naglakad hanggang sa marating ko na ang kusina. Napasandal agad ako sa pader habang hawak ko ang dibdib ko.

Anak ng!!

Inuutusan ko ang lupa na lamunin na ako ngayon na!

Napaigting ako nang biglang pumasok dito si Keira na nanggaling sa back door. Natigilan siya ng makita ako at nagulat pa sa presensya ko.

"Ayos ka lang po ba Ma'am?" Lumapit ito sakin at sinuri ang buong pag mumukha ko.

"Ang pula ng mukha mo Ma'am ah" napakunot ang noo ko ng tonog parang nanunukso itong si Keira.

"New blush on po ba iyan Ma'am?" taas-babang kilay pa nitong sabi sakin.

"Huy Ikaw Keira Ah" diko mapigilang magka utal utal sa sinabi ko. Pumunta ako sa may ref at binuksan ito.

Teyka bakit ko ba binuksan to?

"Psst" napalingon ako kay Keira at kasalukuyan na itong nakasandal sa pader na pinagsandalan ko kanina. Naka crossed arm pa ang babae at ang tingin niya sakin ay nanunukso.

Nakasimangot ako.

"Mukha kang butiki dyan" sabi ko nalang at isinarado nalang ang ref. Napabusangot ang mukha ni Keira.

"Si Ma'am ba! Eh ano ka nalang po kanina? Lizard?" napatawa ako sa sinabi niya.

"Eh parehas lang iyon. Inenglish mo pa"

"Eh"

Napailing nalamang ako. Naging kasanayan na naming mag usap ng ganito, sa katunayan nga ay naging mas lalo kaming naging malapit at lalo na sa iba pang kasama namin dito sa bahay na umabot na sa punto na nag aasaran nalang kami sa tuwing nagkakasalubong kami dito sa bahay.

Napaayos ng tayo si Keira. Nagtaka ako kaya nilingon ko ang back door. Kaya pala, pumasok si Ate Ruby na nakakunot ang noo.

"Hoy! Nandyan ka lang pala. Ang tagal mong bumalik bruha ka" nagitla pa ito ng mapansin ako.

"Ay Ma'am Nandyan ka pala, Good Afternoon po" bati nito sakin.

"Segi Ate Ruby, pagsermonan mo yan, inaway ako niyan kanina" pagsusumbong ko pa na siyang ikinausok ng ilong ni Keira. Benelatan ko siya na siyang mas lalong ikinasira ng mukha nito.

"Luh!" tanging naging reaksyon nalang niya sa ginawa ko.

"Ikaw talaga! Hali ka dito, inutusan lang naman kitang kumuha ng feather dust bat napadpad ka dito sa kusina!" natawa nalang ako ng kaladkarin ito ni Ate Ruby habang hawak niya ang laylayan sa damit ni Keira.

"I shall return!" Liit matang sabi pa sakin ni Keira kaya ayon, nabatukan ni Ate Ruby.

"Ang favoritism mo naman Ate Ruby eh!" Rinig ko pa ang pagmamaktol ni Keira nang tuluyan na silang makaalis.

Tawang tawa naman ako hanggang sa napagdesisyonan ko nalang na bumalik na doon sa hapag kainan. Nang pagharap ko ay napatalon ako sa gulat nang bumungad agad sakin ang nakasandal na si Theo sa gilid ng pader. Naka crossed arm pa na halatang kanina pa siyang naghihintay at nanonood sakin.

Bat naging mukhang modelo siya ng bench sa posisyon niyang yan? Eh nong ako yung sumandal dyan nagmukha lang akong butiki ayon kay Keira.

Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa hindi ko na nakaya ang titig niya sakin ay nagsalita ako.

"Bakit?"

Umalis ito sa pagkakasandal. "Nothing"

Napataas ang kanang kilay ko. "Pinapasundo ka sakin ni Kaiden" hindi ko alam ang ire-react kaya  tanging pagtango nalang ang nagawa ko.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon