Chapter 28

10.2K 259 10
                                    

"Let's go?" malambing ang boses niya nang pinagbuksan niya ako ng pinto dito sa kanyang Kotche.

Napasilip pa ako sa labas at bigla nalamang akong kinabahan. Tama ba tong naging desisyon kong sumama sakanya? Napatingin ako sa pagmumukha niyang maaliwalas at nakangiting naghihintay sakin na bumaba na. Mukhang wala naman siyang masamang balak sakin kaya hindi ko na dapat tinatakot pa ang sarili ko at mag-isip ng kung ano-ano.

Hindi naman siguro takas sa mental ang lalaking to diba?

Isa pa, sinabi niya sakin na nandito ang anak niya kaya kung may mangyari mang masama edi ang anak niya nalang na si Kaiden ang tatakbohan ko. Mas kampante pa ako sa bata at mukhang makakasundo ko pa kaysa dito sa lalaking to na ang lakas ng apog sa sarili at basta nalang akong nadala dito sa harap ng bahay niya.

Buong biyahe ay tahimik lamang ako samantalang itong si Theo naman ay panay lang ang tingin sakin. Mas mukhang nagpopokus pa nga siya sakin kaysa sa kalsada kaya ayon nasermonan ko ng wala sa oras at baka mabangga pa kami dahil dyan sa pagiging maharot ng titig niya! Nakakainis.

Nanliliit ang mga mata kong tinitigan muna siya bago tuluyang bumaba sa kotche niya. Marahan pa siyang napatawa.

"What's up with that look?"

Akmang yayakapin niya sana ako sa may bewang kaso agad akong napaatras na yakap ang sarili ko sabay pasada ng tingin sa kabuuan niya.

"Bakit ka ba ganyan!" Natataranta na may halong kaba kong sabi sakanya. Mas lalo tuloy akong nag-aalinlangan na ipagpatuloy itong pagsama sakanya ng bigla nalamang siyang napangisi na tila nagpipigil sa tawa niya.

"Wala akong gagawing masama sayo, unless you want me to—

"Tumahimik ka na nga! Pasok nalang tayo sa loob, ipakita mo na yung sinasabi mo sakin kanina na binder!" kunot noo kong panenermon sakanya at nauna pa talaga akong naglakad papasok doon sa may entrance ng bahay nila.

Tuloy ay bigla akong nakaramdam ng pamilyaridad.

Napatigil nalamang ako nang mapansin ko kung gaano kaganda ang bahay niya. Napaatras pa ako ng ilang hakbang para makita lalo ng maayos ang kabuuan nito at pagmasdan ang laki at desenyo nito. Napalibot pa ang paningin ko sa paligid at ngayon ko lang napansin ang makukulay na nakatanim na mga bulaklak at halaman sa hardin nila dito. Lalo na ang mga puno na halatang inalagaan talaga dahil sa buhay na buhay nitong mga berdeng dahon sa mga sanga.

Napatigil ako sa pag-atras nang muntik pa akong matumba dahil sa bigla akong may naapakang sapatos.

Sapatos pala ni Theo.

"Careful" mahinahon niyang sambit sakin habang nakaalalay sa magkabila kong braso. Nataranta akong napaharap sakanya at napatingin sa makinis niyang sapatos na naapakan ko pa.

"S-sorry—

Yumuko pa ako para sana pagpagan iyong dumi ng sapatos niyang naapakan ko kaso bigla siyang napaatras at napalayo sakin.

"It's fine" napakunot nalamang ang noo ko dahil sa pagkataranta ng boses niya kaya naman ay napatayo nalamang ako at pinagmamasdan siya sa ginagawa. Siya na mismo ang nagpagpag ng dumi doon sa suot niyang leather shoes. Nang matapos ay iwas ang tingin niyang naglakad papalapit sakin.

"Let's go inside first, ipapakilala muna kita sakanila—

"Kanino?" sabi ko pa sabay wakli sa braso niyang akma na sanang aakbay sakin. Ang lalaking to! Porke pumayag akong sumama sakanya ay napapansin ko ang pagiging clingy niya sakin. Nakakaloka, ayos sana kung may relasyon kami o may label dahil wala iyong malisya saakin.

Pero itong mga physical touch niyang ginagawa sakin ay masyado akong kinakabahan at naiilang sa di malamang dahilan. Kung makaasta siya parang may pinagsamahan at close kaming dalawa. Sa parte ko ay masyado iyong kakaiba lalo na at nitong mga nakaraang linggo ko pa lang siya nakilala.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon