Chapter 30

9.8K 235 11
                                    

KINABUKASAN ay nagpaalam ako kay Theo na aalis muna ako ng bahay at pumunta doon sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Kaya naman ay hinatid na niya ako papunta doon, malayo pa naman ang alas otso kaya mahahatid pa niya ako, wala rin siyang pakialam kung ma late siya sa pagpunta doon sa sarili niyang kompanya basta ang sabi niya sakin mas gugustuhin niyang ihatid muna ako bago siya pumunta sa trabaho.

Si Kaiden naman ay nakombinsi naming babalik din kami agad. Naaawa ako sa bata dahil wala siyang kasama tuloy sa bahay maliban kina Manang. Mabuti nalang at napaintindi namin ang bata at sinabing maghihintay nalang siya sa pagdating ko at sa Papa niya.

Habang nasa kotche at bumabyahe ay napatanong ako kay Theo.

"Theo"

"Hmm?" Nakangiti niyang usal habang ang atensyon ay nasa kalsada. Nagnakaw pa siya ng tingin sakin.

"Paano ang apartment ko?" Nababahala kong sabi. Kanina ko pa kasi iniisip ang apartment ko lalo na ang trabaho ko. Hindi ko alam ang gagawin kaya naisipan kong hihingi nalang ng permiso o advice kay Theo sa dapat kong gawin.

"Why? Anong meron sa apartment mo?"

"I mean, doon na ba talaga ako titira sa bahay mo ulit?" Napatigil ang sasakyan dahil biglang nag red ang traffic light. Napalingon siya sakin at mukhang nag-iisip.

"If you ask me then I want you to live with me, with us. But it's up to you. I don't want to stop you or to be controlling. Whatever you decide I'll just support you"

Umandar ulit ang sasakyan namin at napabuntong hininga nalamang ako. Nag-iisip.

"Naninibagohan ka parin ba doon sa bahay?" Malambing niyang tanong sakin at napalingon ako sakanya.

"Hindi naman sa ganon"

"I'll give you space if you want. Kung gusto mo munang mag stay doon sa apartment mo, kaming dalawa nalang ni Kaiden ang lilipat doon. Ikaw? Where do you want to live? Kahit saan basta comfortable ka, wala akong pakialam kung saan mo gusto. Sasamahan kita. Kung nasaan ka, doon na rin ako. Wala akong pakialam kung saan basta magkasama lang tayo"

Seryoso niyang sabi at lumingon pa sakin. Napakagat labi nalang ako dahil sa maraming tumatakbo ngayon sa utak ko. Sa huli ay nagpipigil nalamang akong ngumiti.

"Theo wag kang masyadong gumanyan. Kinikilig ako bigla" pagsasabi ko ng totoo sakanya bagay na ikinagulat niya ngunit kalaunan din ay ngumiti ng malawak.

"Really?"

Hindi ko siya sinagot bagkus nakangiting umiwas nalamang ako ng tingin sakanya.

"But seriously I'm not joking Camelle"

Napalingon ako sakanya ulit at ito nanaman yung mga titig niya sakin na sobrang lalim pero nakikita ko ang pangingislap nito habang tinitignan ako.

"Yan nanaman niyang tingin mo sakin"

"Why?" Inosente niyang tanong.

"Kung makatingin ka mukha kang patay na patay at inlove sakin. Nah! Sige ka, mapansin ka pa ng mga tao"

Napangiwi siya sa sinabi ko kaya naman ay napahalakhak ako ng tawa bagay na ikinatulala niya sakin kaya naman ay pilit kong pinahinahon ang sarili at wag nang matawa.

"Pasensya na binibiro lang kita" natatawa kong sabi. " Sorry, sorry ang pangit ng tawa ko" tinakpan ko pa ang bibig para hindi na ako makatawa. Sadyang  mababaw lang talaga ang kaligayahan ko at ang tagal pang maka move on. Dagdagan mo pa itong halakhak kong tawa na tila wagas at wala ng bukas.

"Why are you like that?"

"Ha?" Naguguluhan kong sabi sabay punas sa luhang namuo sa mata ko dahil sa pagtawa. Titig na titig siya sakin.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon