Chapter 21

9.2K 252 12
                                    


Kinabukasan ay maaga akong bumaba ng lobby at doon muna tumambay kasama si Kaiden samantalang si Theo ay natutulog pa doon sa kama at iniwan nalang namin doon. Isa pa ay ayaw ko rin siyang makaharap ngayon. Naiilang ako sakanya lalo na sa ginawa ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nainis sa kanya at nagalit. Nagtatampo ba ako? Ayaw kong isipin. Siguro nasaktan lang talaga ako sa sinabi niya na 'Sinasabayan niya lang yung sinasabi ko'

Hindi ko rin siya masisisi. Ako mismo ang nag request sakanya na kahit makinig o magpanggap nalang siyang makinig sakin. Kahit na sagotin niya nalang ang mga walang sense kong mga tanong. Nakakasama lang talaga kasi ng loob kahit na naging sincere naman siya sa naging sagot niya kagabi na mamahalin at tatanggapin niya pa rin ako pero as Audrey na nagbago na.

Naghalo-halo ang emosyon ko pero mas nangingibabaw ang hinanakit. Nakakaloka pala ang magmahal ng ganito, kung ano-ano nalang ang mga pinag o-overthink mo sa sarili mong isipan.

"Mama nandyan na po sina Mamo at Papo"

Napatingin ako sa deriksiyon kung saan kakalabas lang nila sa elevator. Nang makita nila kaming dalawa ni Kaiden ay agad itong kumaway saamin at ngumiti. Napatayo ako bigla.

"Good morning po"

"Good morning Darling" napalingon ito sa paligid. "Where's Theo?"

"Ahh nasa taas pa po. Natutulog"

"Oh" mukhang nagtaka pa siya ngunit ay ngumiti nalang sakin.

"Let's go, for sure masarap ang inihanda nilang buffet ngayon ,right Maverick?" baling niya sa kanyang asawa at ngumiti lamang ito sakanya at inak-bayan pa siya nito. Napangiti nalamang ako. Hindi man gaanong palasalita si Tito Maverick ay nakikita ko naman sakanya na mahal na mahal niya si Mama Alessandra. Tinginan palang nila ay mapapansin mo na ang koneksyon nila sa isa't isa.

Nang makarating kami sa may food area ay namataan namin doon sina Steff at Ate Loraine na kakaupo lang din sa mesa. Mukhang kanina pa kami hinihintay.

"Audrey hali ka! Ang daming bagong foods" masiglang tawag pa sakin ni Steff. Napatawa nalamang ako.

Binalingan ko si Kaiden.

"Baby anong gusto mong kainin?"

"Gusto ko lang po ng cereal Mama"

"Okay, upo ka muna doon sa table. Hintayin mo lang ako ha?"

"Okay po. Thank you Mama"

"You're welcome"

Nakangiti ko lang siyang sinundan ng tingin at nang makita siyang nakaupo na doon sa upuan ay saka ako kumuha ng plato at naghain sa mga gusto kong kainin pati narin kay Kaiden.

Sa kalagitnaan ng pagkuha ko ng mga pagkain ay biglang nawala ang ngiti ko ng namataan ko si Theo na kakapasok lang dito sa food area at mukhang may hinahanap. Halatang kakagising lang nito at agad na pumunta dito , tila wala siyang pakialam sa kung anong maging hitsura at sabihin ng mga tao sakanya dito.

Napaiwas ako ng tingin ng mapunta ang paningin niya sakin. Ayaw ko muna siyang kausapin, maliban sa may kaunting hinanakit pa ako sakanya ay nahihiya rin ako sa di malamang dahilan. Nakakalito.

"Theo"

Halatang nandito na ito sa kinatatayuan namin dahil agad siyang napansin ng Mama niyang mukhang nagtataka sa hitsura niya.

"Hindi ka lang ba naghilamos? Mygoodness"

"Hayaan mo na yan. Gwapo pa rin naman diba? Like me"

Napalingon ako kay Tito Maverick ng magawa pa nitong magbiro sa asawa.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon