Chapter 16

9.2K 257 27
                                    

Nang matapos ang kanta ni Theo ay biglang lumapit sakanya ang vocalist ng banda at siya na mismo ang pumalit sa pwesto ni Theo at inihanda ang mic para sa sasabihin niya.

"Ladies and Gentlemen. Tonight! We gather here to celebrate and witness our smiles by meeting and greeting our love ones. Sa mga may asawa't mga jowa!" Tinaas pa ang nakakuyom nitong mga palad. Tila nagco-concert na kami ngayon dito.

"Yayain natin silang isayaw ngayong gabi at damhim ang nangingibabaw na pag-iibigan" tumawa pa ito at nagsimulang tumayo ang iba para yayain ang kanilang mga asawa pati narin ang Papa ni Theo na nakangiting niyaya si Mama Alessandra.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang iba. May iba namang nanatiling nakaupo parin sakanilang pwesto at piniling manood nalamang. Ang iba ay nagbibigay suporta nalang sa mga mag-asawa.

"Sa mga single diyan, you can dance with your brothers and sisters or you can dance alone and let us enjoy our self and let the music move our feet and be the rhythm energize our spirit"

Naghiyawan at nagsigawan ang mga tao at mukhang nag eenjoy nga talaga sila sa mga nangyayari ngayon samantalang may narinig pa akong nagreklamo dahil pinilit itong tumayo para sumayaw.

Napatingin ako kay Kaiden na patalon talon pang sumasayaw kasama ang mga pinsan niya. Mukhang iba ang tema sa pagsayaw nila, naghi-hip hop ang mga bata.

Biglang lumamig ang simoy ng hangin kasabay non ang pagtugtog ng banda sa musikang kakantahin nila.

Lover by Taylor Swift

Nang saktong pagharap ko sa deriksiyon kung nasaan ang banda ay namataan ko si Theo na papalapit sakin.

Kasabay ng kanyang paglalakad patungo sakin ay siya ring pagsambit sa unang katagang kinanta ng main vocalist ng banda.

"We could leave the Christmas lights up 'til January
And this is our place, we make the rules
And there's a dazzling haze, a mysterious way about you dear
Have I known you 20 seconds or 20 years?"

Grabe! Napakaganda rin boses ng main vocalist. Tila siya yata ang boy version ni Taylor Swift.

Nang makarating si Theo ay nilahad niya agad ang kamay saakin. Nakangiti siya saakin at tila para kaming nasa isang palasyo na siya ang prinsepeng nagyayang maisayaw ang prinsesa. Natawa nalamang ako sa iniisip. Masyado akong naging ilusyonada.

Napatitig ako sa kamay niya at sabay ng paghawak ko rito at pagtayo ko ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig kami sa isa't isa.

"Can I go where you go?
Can we always be this close forever and ever?
And ah, take me out, and take me home
You're my, my, my, my
Lover"

Maganda ang kantang pinili ng banda. Napaka romantiko pakinggan at tila napuno ng mga puso ang kapaligiran. Nang makarating kami ni Theo sa gitna ng social hall ay siya na mismo ang nag guide sakin kung saan ko dapat ilagay ang mga kamay ko.

"We could let our friends crash in the living room
This is our place, we make the call
And I'm highly suspicious that everyone who sees you wants you
I've loved you three summers now, honey, but I want 'em all"

Napakainit ng palad niya. Ang mga kamay ko ay nakasampay sa mga balikat niya samantalang ang mga kamay naman niya ay nasa bewang ko. Napaiwas ako ng tingin at hindi ko alam kung kanino ba ako titingin. Sa mga taong sumasayaw rin ba katulad namin o sakanya?

Nalulunod ako sa mga titig niya kaya laging takatagilid ang ulo ko. Nahihiya ako. Narinig ko ang pagtawa niya kaya naman ay napatingin ako sakanya.

"Oo na, hindi ako marunong sumayaw" pilit kong tinatagan ang boses ko at pilit inaalis ang pagkailang na nararamdaman ko sakanya.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon