Chapter 29

9.4K 227 6
                                    


"Hon, Hon! Wake Up! They are here"

Naalimpungatan ako sa pagtapik ni Theo sa magkabila kong pisngi. Bumungad sakin ang maaliwalas at nakangiti niyang mukha. Napakunot ang noo ko at agad na napabalikwas ng bangon nang makita ko ang kabuuan niyang bihis na bihis. Anak ng!

"Anong oras na?"

"8AM"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ano!?"

"Let's go, Nandon sila lahat sa baba. They want to see you" nakangiti pa niyang hinila ang mga braso ko na animo'y isang batang nagyayang maglaro.

"Teyka! Ano?!" Natawa siya sa naging hitsura ko kaya naman ay natataranta akong napaalis sa kama at hindi ko alam kung ano ang unang gagawin. Kung magliligpit ba ng higaan o mag-aayos ng sarili. Sa huli ay natampal ko sa braso si Theo.

"Bakit hindi mo ako ginising?" Natataranta kong sabi at wala sa sariling tiniklop ang mga bedsheets. Matalim ko siyang tinignan nang tumawa ulit siya. "Ikaw! Wag mo kong tinatawanan dyan. Bihis na bihis ka pa dyan ni hindi ka man lang nag-abalang gisingin ako" panenermon ko sakanya. "Tapos gigisingin mo lang ako pag bihis ka na at bubungaran mo ako na nandyan sila sa baba--

Napatigil ako ng niyakap niya ako bigla sa may bewang mula sa likuran ko. "You slept peacefully earlier kaya hindi nalang kita ginising, akala ko magigising ka nalang ng kusa bago sila dumating"

Bigla akong huminahon sa lambing ng boses niya. Napaharap ako sakanya at nakapamewang. Natatawa niya naman akong pinagmamasdan. "Tinawagan mo sila?" Mahinahon kong tanong sakanya. Nagpipigil ngiti naman siyang napaiwas sakin ng tingin sabay tango.

"Yup, maaga akong nagising around 5Am. I was just so excited for everything kasi alam kung nandito ka na so I immediately called and told them that you are here. That you're home"

Sa ilang segundo ko siyang tinitigan ay napapansin ko ang pangingislap ng kanyang mga mata. Ang aliwalas ng mukha niya at halatang lumulutang siya sa saya.

"And don't worry about your work. Ako na mismo ang nagsabi sakanila kung bakit ka hindi makakapasok ngayon" nanlaki ang mga mata ko at kalaunan din ay nanliliit ang mga matang tinapunan siya ng tingin.

"Anong sinabi mo?" Ngumiti lang siya ng nakakaloko sabay kibit balikat sakin kaya naman ay pabiro ko siyang pinagkukurot sa kanyang tagiliran. Panay iwas naman siya sa kamay ko habang natatawa.

"Loko ka baka may karantaduhan kang pinagsasabi--

"Well" natigilan ako nang hinawakan niya ang magkabilang pulso ko at tinitigan niya nalang ako sa mga mata. "I told them that you can't go there dahil gusto mo akong makasama--

"Ay wow! Kapal mo, ako pa talaga ha" natatawa akong kumawala sa pagkakahawak niya sa pulso ko at nang binitawan niya ako ay saka ko naman kinuha ang pagkakataong ginulo ang buhok niyang maayos na nakaporma.

Akala ko ay maiinis o magagalit siya sa pagsira ko ng hairstyle niya ngayon pero ang loko ay gumanti lang sakin at ginulo rin ang buhok ko na hindi pa nasusuklayan kaya ayon, mas nagmukha akong bruha dahil sa pagkabuhaghag ng buhok ko dahil sa ginawa niya.

"There, you still look stunning-

Pinalo ko siya sa kanyang braso "You look stunning ka dyan!"

Sabay kaming natigilan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang bagong ligo na si Kaiden at nakabihis na rin. Ako pa lang ata ang hindi pa nakaayos at prepared. Itong si Theo kasi, walang pasabi. Ngayon lang ako na inform pagkagising niya sakin.

"Mama!" Masiglang bati sakin ni Kaiden at naka wide open pa ang kanyang mga braso na tila sasalubungin niya ako ng isang yakap.

"Halo Baby! Good morning" malambing kong bati sakanya sabay tanggap sa kanyang mga yakap pagkatapos ay napagpasyahan ko siyang kargahin sa mga bisig ko. Natuwa ang bata at napapulupot ang kanyang mga braso sa may leegan ko.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon