Chapter 7

10.6K 368 15
                                    


Hawak-hawak ko parin ang dibdib ko dahil sa walang tigil nitong pagtibok. Bakit ba sinabi niya pa yon? Masyado siyang seryoso at walang bahid na kahit anomang kasinungalingan ang pagmumukha niya habang sinasabi ang mga katagang yon. Gusto ko tuloy magwala!

Napalingon ako sa deriksiyon ni Theo at pinagmasdan siyang kumakain. Agad akong napaiwas nang mapansin niya akong nakatitig sakanya at tinignan ako pabalik.

Mas gugustuhin ko nalang siguro na sigawan at magalit nalang siya sakin kaysa sa ganito na puno ng pagkamangha  ang mga mata niya. Hindi ako sanay!

Tumayo ako at pilit na pinipigilan ang nararamdaman. "Baby, dyan kalang muna ha? May bibilhin lang si Mama don sa may food stall" nakatitig sakin si Kaiden mukhang nag aalinlangan kung sasama ba siya sakin o hindi.

"Stay ka lang diyan, nandito naman si Papa mo" napanguso ito.

"Sige po"

Napabuga ako ng hangin at hanggang maaari ay pinilit ko ang sarili na hindi magpakita ng kahit anomang reaksyon kay Theo.

"P-punta lang muna ako sa baba"

Nagtaka siya at napakunot ang noo.

"Why? Anong gagawin mo don"

"Bibili lang ako ng maiinom" sabi ko at agad na pumunta sa may pinto. Nang mahawakan ko ang door knob ay agad akong napatigil nang ma-realized ko na wala pala akong pera. Dahan dahan akong lumingon kay Theo na kasalukuyan na din palang nakatitig sakin.

"M-may pera ka ba diyan? Wala kasi akong pambili——

Napatigil ako ng may bigla siyang kinuha sa may drawer niya doon sa mesa. "Here, just use it"

Lumapit ako sakanya at kinuha iyong card na binigay niya sakin. Napakurap ako ng ilang beses. Black card?! Napatitig ulit ako sakanya at walang kahit anomang reaksyon ang nababasa ko sa pagmumukha niya ngayon.

"S-sige Salamat. Ibabalik ko to agad"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil agad na akong lumabas ng opisina at nang tuluyan ko na itong maisarado ay napatalon talon nalang ako sa hiya habang nakahawak sa magkabila kong pisngi.

Anak ng teleleng!

Patakbo akong pumunta sa elevator at pumasok agad doon pagkatapos ay doon ibinuhos ang kahihiyan na nararamdaman ko, inuntog-untog ko nalang tuloy ang noo ko sa pader nitong elevator habang naghihintay na makarating ako sa baba.  Ano ka ba naman Camelle, nagmumukha kang tanga!

Nang mahismasmasan ay napatayo ako ng maayos at inayos ang sarili ko. Saktong bumukas ang pinto ng elevator at may nakasalubong akong mga tao. Ngumiti lamang ako sakanila nang magulat silang makita ako. Dali akong naglakad palabas at nagpasyang pumunta doon sa mga food stall na nagtitinda ng mga drinks.

Pero bago pa ako tuluyang makapunta doon ay naiihi ako bigla kaya naman ay napalingon ako sa paligid, nagbabasakaling mahanap ko ang rest room dito.

"Ahm Excuse me Miss, nasaan po ang rest room dito" bahagya itong nagulat nang humarap ito sakin. Nakasuot ito ng kulay blue na polo at black pencil, mukhang isa siya sa mga nagtatrabaho rito.

"Ma'am Audrey" utal pa nitong sabi at mukhang natataranta.

"Yes po?" nakangiti akong naghihintay sa sasabihin niya ngunit ay napaturo nalamang ito sa deriksiyon kung nasaan ang rest room.

"Doon po banda sa may kanan po Ma'am, lumiko kalang ho doon makikita niyo ang women's rest room" napatango ako at nagpasalamat agad.

Dali akong pumasok sa pinakadulong cubicle nang marating ko ang rest room,  kahit na nagmamadali ay hindi ko parin maiwasang mamangha sa ganda ng rest room nila dito. Mukhang lahat ng mga materyal na ginamit nila ay mamahalin.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon