Chapter 24

9.5K 260 6
                                    


Mag tatatlong linggo na ang nakalipas simula nang ma discharge ako sa hospital. Naging matiwasay naman ang buhay ko at bumalik ulit ako sa dati kong routine o gawi. Lahat ay masaya sa pagbabalik ko, may time din na bumisita ako doon sa Bahay Ampunan dahil gusto akong makita nina Madre Ofelia at kahit papaano ay naging masaya naman ako doon.

Pero hindi parin nawawala ang kabigatan ng dibdib ko kahit anong pilit kong gawing abala ang sarili ko sa trabaho namin sa pag o-organize ng mga event na natatanggap namin sa mga clients namin.

May mga araw na nakakalimutan ko ang nararamdaman pero sa oras na matapos ang araw ko at makauwi na sa apartment ko ay doon ko nararamdaman ulit ang paninikip ng dibdib, tila nangungulila ako pero hindi ko alam kung ano o sino.

Wala naman na akong kinikilalang pamilya maliban sa mga katrabaho ko at ang mga tao doon sa bahay ampunan na pinagmulan ko. Kaya nga nitong mga nakaraang araw ay panay ang bisita ko doon sa bahay ampunan at baka nami-miss ko lang ang ambiance doon at makipag bonding sa mga bata at sa mga madreng nag-aalaga sakanila pero sa huli ay may kulang padin.

Kahit anong bonding ko rin sa mga katrabaho ko, kina Ysha at sa iba pa naming ka team ay wala. May hinahanap ang damdamin ko na hindi ko ma identify ng maayos. Ang weird sa pakiramdam.

Kahapon ay kakagaling ko lang sa hospital para kunin ang results ko sa pagpa heart check-up ko pero wala namang mahanap na findings ang mga doctor. Maayos naman daw ang puso ko at walang problema kaya naman ay wala akong nagawa kundi ang umalis nalang at iinda ang nararamdaman. Baka mas maweirduhan pa sila lalo sakin at masabihang nag iinarte lang.

Sa ngayon ay bumabyahe ako papuntang Kai's Resort.

Ngayong araw kasi namin itutuloy ang pakikipag-meet up sa taong gustong magbigay ng sponsor at lalo na sa pagtanggap ng proposal namin para gamitin ang resort nila bilang venue para sa gaganaping event para sa mga bata na nasa bahay ampunan.

Sa katunayan nga ay kasama ko na sana ang team ko kaso nagkataon na ang ibinigay na schedule ng nag mamay-ari ng resort ay hindi pasok sa schedule ng ka team ko. May inaasikaso pala silang wedding ngayon mismo kaya naman ay ako na mismo ang nagsabi na ayos lang sakin na ako nalang muna lalo na at marami akong hindi nagawa sa nakalipas na tatlong buwan.

Ayaw rin naman nilang i-adjust ang schedule nila dahil matagal na ring nakaplano at na set ang date sa wedding day ng mag couple. Ayaw naming masira ang reputasyon ng hindi gaanong kalakihan naming kompanya. Hindi rin naman nila alam na nagkataong magigising din ako at agad na gustong e-continue ng CEO ng Kai's Resort ang na postponed na meeting namin.

Si Madam Ressa naman ay malaki ang tiwala sakin na magiging okay din ang kalalabasan nitong meet up. Busy din ang isang iyon dahil month of August ngayon, maraming mga clients ang nang inquire para sa gaganapin nilang kasalan at birthday party at gusto nila ang team o ang organization namin ang ha-handle sa gaganapin nilang araw.

Nang makarating sa tagpuan ay agad na rin akong naglakad papasok at pumunta sa front desk. Napatingin ako sa wrist watch ko. Nakahinga ako ng maluwag. Ayaw kong ma late at masyadong nakakahiya kung ang CEO pa mismo ang maghihintay sakin. Hindi namin ito kailangan pakawalan dahil malaking opportunity ito lalo na sa pangalan ng kompanya namin at para sa mga bata na gusto naming bigyan ng masayang okasyon at maka experience kahit papaano ng ganitong event sa buhay nila.

Kinakabahan tuloy ako. Ayos lang sana kung ang manager nalang ang kakaharapin ko o kahit ang sekretarya man lang nito pero biglang nagbago ang desisyon nito at gustong siya mismo ang makipagdiscuss sakin tungkol dito.

Kailangan kong galingan to. Umaasa saakin ang lahat. Ayaw ko silang ma disappoint at mas lalo na ang CEO, gusto ko siyang ma impress at iparamdam sakanya na hindi siya magsisisi na ipagpatuloy itong offer namin at hindi masasayang ang ibibigay niyang sponsor.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon