Chapter 6

10.6K 328 10
                                    


Abala akong nagdidilig sa mga halaman dito sa hardin ng bahay. Alas seyete palang ng umaga at napagdesisyonan ko munang tumulong sa mga gawaing bahay dito para hindi ako maburyo. Kanina ay sinilip ko si Kaiden sa kanyang kwarto at tulog pa naman ang bata kaya bumaba nalang muna ako.

"Manong Ben, ilang taon niyo na bang ginagawa to?" napalingon sakin si Manong Ben na abala sa paggugupit at pagtatanggal ng mga layang dahon .

"Mag siya-siyam na taon na po Ma'am" bahagya akong namangha.

"Wow, ang tagal niyo na pala dito"

"Maayos rin po kasi ang trabaho ko dito Ma'am at saka mabait si Sir Theo, mahirap maghanap ng mabait na amo"

Napatango naman ako sa sinabi niya. "Nang dahil po sa trabaho ko dito ay naipagtapos ko ng pag-aaral ang dalawa kong anak , pinapatigil na nga nila ako sa trabaho at sila nadaw ang bahala sakin pero ayaw ko at baka maburyo lang ako sa bahay pag wala akong ginagawa" natatawa pa niyang sabi at kitang kita na proud siya sa naging achievement ng mga anak niya at sa mga nagawa niya bilang magulang. Napangiti ako.

"Eh yung asawa niyo po?"

"Ay naku, matagal na pong patay ang asawa ko Ma'am kaya doble kayod talaga ako para maibuhay ko ng maayos ang dalawa naming anak nong namatay ang asawa ko" nalungkot ako bigla ngunit masaya ako para kay Manong Ben dahil may mga anak rin siyang nagmamalasakit sakanya.

"Swerte po ng mga anak niyo Manong" tanging nasabi ko nalang at napatitig nalang sa mga halaman na dinidiligan ko.

"Aba eh kayo Ma'am? Nasan po ang mga magulang niyo? Simula nung dumating po kasi kayo dito ay wala kayong nababanggit tungkol sa mga magulang ninyo o kahit mga kamag anak"

Napatitig ako sakanya at napatulala nalamang. Posible bang walang kinikilalang pamilya si Audrey?

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Wala akong alam tungkol sa pamilya ni Audrey at mas lalong hindi ko rin alam kung may pamilya ba talaga siyang kinikilala. Samantalang ako naman ay wala na rin akong idea kung saang lupalop na ang mga magulang ko dahil nga sa iniwan din ako ng Nanay ko at ang Tatay ko naman ay pisikal akong sinasaktan kaya naglayas ako at napadpad sa bahay ampunan.

Akmang magsasalita ulit si Manong Ben nang biglang dumating si Keira na mukhang hinihingal pa kakatakbo.

"Ma'am"

Nagtaka ako sa hitsura niya. Mukhang nag aalala.

"Si Kaiden po kasi Ma'am hindi namin alam pano patahanin"

Agad akong bumalik sa loob ng bahay. Gising na pala si Kaiden. Masyado akong naging abala at nakalimutang balikan doon si Kaiden. Nasanay na siguro ito na sa tuwing gumigising siya ay nandon ako sa tabi niya naghihintay.

Nang makapasok ako sa loob ay agad ko itong nakita sa may sala na nagta-tantrums. Mukhang nag aalala naman si Manang Nelita at panay ang pagpapatahan niya rito samantalang si Ate Ruby naman ay natataranta pano patahimikin ang bata.

"Kaiden" mabilis itong napalingon sakin. Kita ko ang pagkagat pa nito sa kanyang mga daliri na parang doon binubuhos ang sama ng loob niya.

"Ma'am hindi po talaga namin alam kung napano to, mukhang kakagising lang po kasi niya at bumaba tas naghahanap po sa inyo" kinakabahan pang sabi ni Ate Ruby at mukhang nababahala na baka mabulyawan ko sila.

"Sige po Ate Ruby, Manang" nagkatinginan silang dalawa. "Ako na po bahala, Salamat po"

"S-sige po Ma'am" humingi pa sila ng pasensya sakin pagkatapos ay agad na umalis para ipagpatuloy ang naudlot nilang ginagawa.

"Baby, anong nangyari?" Nanatili pa rin ito sa pag iyak at paghikbi. Buti nalang medyo huminahon na ito nang makita ako, kanina kasi nang paparating ako dito ay mukhang nagwawala. Naiintindihan ko, mga ganitong edad ay hindi talaga ito maiiwasang mangyari na nagta-tantrums sila.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon