Chapter 27

9.1K 240 12
                                    


"Huy Te, feel ko talaga type ka non" biglang sabi sakin ni Ysha sabay pulupot ng mga braso niya sa braso ko nang makalabas kami mula doon sa conference room.

"Oo nga, Pansin ko rin eh" sabat naman ni Krysha na isa sa mga photographer namin.

"Camelle. Advice lang, lalaki din ako kaya sure din akong malakas ang tama non sayo. Ano? Resbakan ba natin?"

Napapikit nalamang ako sabay hilot sa may leegan ko dahil sa sinabi ni RJ na isa rin sa taga video editing ng team.

"Magsitigil nga kayo. Baka ganon lang talaga ang tao——

"Kung makatitig eh parang ikaw lang ang taong nandoon sa conference room?" Mas lalo akong nawalan ng emosyon sa sinabi naman ni Ysha.

Makalipas ang dalawang araw ay bigla nanaman kasing tumawag itong si Sir Theo. Well actually this is our fifth meet up na kasama na ang ka team ko. Naging maayos naman ang daloy ng pagpupulong naming lahat sa makalipas na limang araw. Magaan naman kasama sa work si Sir Theo at halos sumasang-ayon siya sa mga suggestions namin and actually ready na ang team namin na mag design na doon sa venue at iprepare na ang dapat ihanda.

Pero sa loob ng limang araw na pagbri-brainstorming namin kasama si Sir Theo na siyang sponsor at ang nagma-may-ari ng Venue ay pansin ko talaga na may kakaiba siyang aura pagdating sakin.

Hindi ko tuloy maiwasang matakot at kabahan sa mga titig niyang mukhang may atraso pa ako sakanya. Dahil ba ito doon sa nangyari last week?

Matagal ko ng napansin iyon pero mas lalo lang talagang lumala lalo na at hindi naging maganda ang huling pagkikita namin doon sa may park ng kompanya namin. Nag walk out ba naman.

Pero nong time na iyon ay nakonsensya talaga ako nang bumalik ako doon sa cafeteria at naabutan sina Ysha na kakatapos lang kumain at papaalis na rin doon.

Nagtaka pa ako ng tinanong nila ako kung nagkita ba kami ni Sir Theo.

Kaya pala, dumaan pala si Sir Theo doon sa working area namin at saktong namataan niya sina Ysha sa may cafeteria kaya inapproach daw sila ni Sir Theo at nagtanong kung nasaan ako.

Kaya pala napadpad doon si Sir Theo sa Park. Ang dinahilan daw nito sakanila ay may isasauli na USB drive lang daw sakin si Sir kaya siya napadaan sa kompanya namin.

Pero hindi naman USB drive ang naibigay niya sakin kundi solo pack ng ice cream naman.

Well, binalewala ko nalamang iyon at baka ganon lang talaga siyang tao. Baka nakalimutan lang ni Sir na isauli iyon sakin lalo na at nabadtrip siya bigla.

Thankful na rin ako dahil nagiging matiwasay naman lagi ang pagpaplano namin and at the end of the day ay masaya naming binabati ang isa't isa sa tuwing nagpapaalam na sakanya at sa mga katrabaho ko na rin sa tuwing uuwi na kami sa kanya-kanyang bahay.

Sa loob ng mga araw na iyon ay pansin ko ang pag-iwas sakin ni Sir Theo na tila ba parang may pinaplano siya at naghahanap lang ng tamang tyempo. Kinakabahan nga ako sa tuwing pumupunta kami dito para ipagpatuloy ang dapat na tapusin.

Pero may pagkakataon namang ina-approach niya ako at bilang empleyado ay magalang ko rin naman siyang sinasagot sa mga tanong niya kahit na mostly sa mga tanong niya ay hindi na related sa trabaho. Nakakahalata na ako sakanya pero ayaw kong mag-isip ng masama.

Lagi ko ring pinapaalalahanan ang sarili ko na pamilyado na itong si Sir kaya imposible ang iniisip ko.

All in all. Final at close na ang deal namin at babalik nalang ulit kami dito sa araw kung kailan na gaganapin ang araw na iyon para magdesign at imonitor ang lahat kaso hindi namin inaasahan na makakabalik ulit kami dito to meet him again.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon