Chapter 23

8.4K 269 7
                                    


Tulala lamang akong nakatitig sa kawalan. Matapos akong i-check ng doctor at kung ano-ano pang mga katanungan ang itinanong nila sakin ay halos wala rin naman akong maalala sa mga naging sagot ko.

Hindi ako makapaniwala na halos tatlong buwan din akong nawalan ng malay. Ang sabi ng doctor ay mabuti nalang at naging madali ang pag recover ng mga natamo kong mga sugat at galos sa katawan at wala rin akong internal fracture na natamo sa aksidente. All in all ay ayos na ayos na ako at pwedeng pwede na nga akong mag discharge.

Pero ang advice nila sakin ay mas mabuting manatili muna ako dito ng ilang araw for observation ,monitoring at pag check ng vital signs ko.

Napag-alaman ko ring na postponed pala ang proposal at nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi naman umatras o nag back-out ang magiging sponsor bagkus sinabi pa nitong willing to wait lang daw ito pag naging maayos na ang kalagayan ko.

Na appreciate ko din ang ginawa ng boss namin na si Madam Ressa, kinuwento sakin ni Ysha na hindi daw itutuloy ang gagawing Event kung wala ako. Tila pamilya narin kami sa loob ng kompanya kaya nga naging masaya rin ako doon kahit papano dahil nakakasundo ko silang lahat.

"Girl, binalita ko na sakanila na gising ka na. Bibisita raw sila dito kung hindi na busy doon sa kompanya while sina Madre Ofelia at si Sister Ana ay ipinagdasal ka pa lalo"

Naupo si Ysha sa gilid ng kama ko at naluluha akong tinignan. Agad niyang nilagay ang cellphone sa shoulder bag nito pagkatapos ay hinawakan ako sa kamay.

"Camelle, gising ka na talaga. Akala ko aabutin ka ng ilang taon eh katulad ng ibang mga taong na coma!" napapadyak pa siya at napangiti nalamang ako.

"Sure ka na talaga? Wala ka ng ibang karamdaman o nararamdamang kakaiba? Baka may masakit pa sayo? O baka may internal organ ka palang na damage sayo at hindi na check ng doct--

"Ayos na ako Ysha. Salamat. Ginawa na nga iyon ng doctor kanina diba? Wala ng problema sakin, under observation nalang ako at pag monitor sa kalusugan ko, vital signs at iba pa"

Napatingin nalamang ito sakin at hindi parin makapaniwala na gising na talaga ako. Napabuntong hininga nalamang ako sabay lingon sa nakabukas na bintana kung saan malayang nakakalabas-masok ang sariwang hangin dito sa kwartong kinalalagyan ko.

Bakit ganon? Nang magising ako, tila napakabigat ng dibdib ko na para bang naninikip ito sa sakit. Wala naman siguro akong nabali na ribs diba? O di kaya ugat na naipit sa puso ko. Ipapa-check ko nalang ulit ito sa doctor. Para kasing hindi normal, nasasaktan ako kahit wala naman akong dahilan. Hindi ako komportable sa ganitong pakiramdam.

"Ysha, tungkol sa taong nakasagasa sakin? Anong nangyari sakanya?"

"Don't worry at wag mo nang isipin iyon. Ang kompanyang nagmamay-ari ng truck na minamaneho niya ay sila na mismo ang umako sa ibang mga expenses mo dito kaya wag mo nang problemahin ang mga gastusin mo dito te"

"Hindi naman siya nakulong diba?"

"Hindi, aksidente lang naman ang nangyari at saka kawawa din, nakikiusap. Hindi ko na alam ang ibang detalye and for sure ayaw mo ring makulong ang taong iyon"

Natahimik ako at hindi nagsalita. Nanatili lang akong nakatanaw sa may bintana at dinadamdam ang ihip ng hangin.

Hindi naman sinasadya ang nangyari, kung sakaling nakulong man ito ay ako mismo ang magpapalabas sakanya sa kulungan pero mabuti nalang at hindi ito nakulong sa nangyari kaso hindi na naiwasan ang pagbayad nito sa natamong mga damages nito sa pangyayaring iyon. Ang sabi pa sakin ni Ysha ay ang kompanyang pinagtatrabahuan lang nito ang nakakaalam sa naging kasunduan nila nong driver.

"Pero may chika ako sayo" umayos pa siya sa pagkakaupo sa kamang kinalalagyan ko. Mukhang excited pa ito at hindi na mapakali.

"Alam mo naman ang tungkol doon sa CEO ng Kai's Resort diba?"

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon