Epilogue

12.4K 430 85
                                    

Abala ako ngayon sa pagluluto ng dinner namin hanggang sa biglang dumating si Kaiden sa kinaroroonan ko na may dalang notebook at lapis. Napangiti akong humarap sakanya habang panay parin ang paghalo ko dito sa niluluto kong beefsteak.

"Oh? What's wrong Baby?" Tinigil ko muna ang paghahalo at tinakpan ko muna ang niluluto ko para magsteam muna ito. Nilapitan ko si Kaiden at hinaplos ang kanyang buhok.

"Mama can you help me po dito sa assignment ko?"

"Oo naman, let me see daw" kinuha ko ang dala niyang notebook at tinignan ang nakalagay na task na gagawin nila. "Ay madali lang to Baby, don't worry Mama will help you okay? Gagawa lang tayo ng tula about environment"

"Talaga po? Pero hindi po ako magaling gumawa ng tula Mama"

"Tuturuan kita pero saka na pag natapos natong niluluto ko. Kain muna tayo para may laman ang tiyan mo bago tayo gumawa ng assignment" napangiti siyang napatango at niyakap ako.

Napangiti nalamang rin ako.

Dati lang ay nasa may bandang hita ko palang ang tangkad ni Kaiden pero ngayon, masasabi kong maraming nagbago sakanya lalo na ang tangkad niya na umabot na sa may bandang tiyan ko.

Kaiden is already six years old and a grade one student in elementary. Sadyang kay bilis lang talaga ng panahon at hindi ko namamalayan ang paglaki niya. Cute naman parin siya ngunit ngayong lumalaki siya ay unti-unting may nagbabago sakanya lalo na ang mukha niyang mas lalong naging gwapo. Minsan nga ay inaasar ko siya sa mga kaklase niyang mga babae ngunit ang bata ay panay ang iling sakin at pinapatigil ako. Ang sabi pa niya if ever magkaron man siya ng crush, dapat ang babaeng yun ay kasing bait at ganda ko raw. Tuloy ay lagi ko siyang nakukurot ng marahan sa pisngi dahil manang mana siya kay Theo na masyadong bolero at pinupuno ako ng mga words of affirmation.

It's been a year since Theo and I got married at wala nang mas isasaya pa ang puso ko sa kung anong meron at relasyon namin ngayon. May pagkakataon man na nagkakaroon kami ng di pagkaintindihan ay hindi naman nagtatagal ng oras at nagbabati rin naman kami agad.

Parehas naming ayaw ng away kaya pag minsan na may mga pangyayaring hindi kami nagkakasundo ay tatahimik lamang kami sa isa't isa at hindi nagpapansinan. Ngunit hindi iyon tatagal ng isang oras dahil sabay rin naman naming e-a-approach ang isa't isa at pag-usapan pa ng sabay ang dahilan ng aming di pagkaintindihan.

We learned a lot about marriage. We learn how to accept our flaws and insecurities. Bawat away-bati namin ay may natutunan at nahihinuha kaming mga obserbasyon na may mga bagay na magkaiba kami ng gusto ni Theo, and with every misunderstanding, we discovered new things about one another and ourselves. Gayon paman ay patuloy parin kami sa kung anong relasyon namin at mas lalo lang naming minahal ang isa't isa.

Ang mga bagay na ayaw ni Theo na nagkataong gusto ko ay natutunan niya itong nagustuhan. May mga bagay ring gusto ni Theo na nagkataong ayaw at hindi pasok sa taste ko pero natutunan ko rin iyong natanggap at nagustuhan.

Married life is not a fairytale as we thought. Yung tipong laging masaya lang?? Nope. As we all know, life is not just only being happy and having fun. Habang tinatahak natin ang bawat landas, natural lamang na may kaakibat itong mga pagsubok. Bawat hakbang na ginagawa natin ay may mga problema tayong makakasalubong at makakaharap and because of what Theo and I have. We were able to solve and overcome it.

If you and your partner have a strong bond. If you are both strong and responsible you will surely overcome everything including obstacles and struggles in life.

Kung parehas kayong may tiwala at faithfulness sa isa't isa, siguradong magiging masaya rin ang samahan ninyo. Nakasalalay lamang sa ating mga sarili ang pagiging masaya. Kung anomang mga problema ang kakaharapin niyong mag-asawa, If you and your partner really love each other, no cheating issues, parehas kayong kontento, at parehas na may mithiin na ikakabuti ng inyong pamilya,
then the definition of "Happy Life" will surely enter your life and you two will live happily ever after, just like we always heard in the Disney movies.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon