Chapter 25

9.7K 275 33
                                    


Kinabukasan ay nagkataong walang kliyenteng naka assign sa team namin dahil last week ay kakatapos lang ng mga naganap na mga event na natapos na naming e-organize kaya paniguradong mahina nanaman ngayon ang mga pupuntang kliyente namin ngayong linggo. Wala naman kasing masyadong ganap ngayong katapusan ng Agosto maliban nalamang sa mga birthday parties.

Speaking about doon sa proposal ay tuwang tuwa naman si Madam Ressa na siyang nagmamay-ari nong mumunting kompanya na pinagtatrabahuan namin. Lahat kami ay masaya dahil sa naging successful ang proposal. Nag set na nga kami ng date kung kailan ulit kami magme-meeting kasama si Sir Theo at para maiplano na namin ng maayos ang magiging flow ng event.

At dahil day off ko ngayon inabala ko muna ang sarili kong mamasyal dito sa mall at para pumunta narin dito sa supermarket nila at bumili ng groceries dahil paubos na ang mga stock ko doon sa ref. Nagyaya pa saamin si Ysha sa group chat namin na mag FoodCamp raw kaming lahat ngayong 6pm doon sa nahanap niyang bagong opening na pagkainan na nagngangalang NightClub.

Nung una ay tatanggi na sana ako nang marinig ang pangalan ng lugar na pupuntahan namin. Pero agad din naman iyong ipinaliwanag ni Ysha sa group chat.

Ayon kay Ysha ay hindi niya rin alam kung bakit naging NightClub ang pangalan ng lugar eh hindi naman iyon bar talaga. Paliwanag pa ni Ysha ay kaya NightClub ito kasi sa tuwing gabi lang daw sila open kaya naging 'Night' samantalang ang 'Club' naman ay dahil mukha rin naman siyang discohan dahil sa mga lighting at ambiance doon na pwede ring mag inoman. May laging Live Band pa ngang nagpe-perform doon.

Hindi siya indoor kundi Outdoor lang siya, kaya ang sabi ni Ysha maganda daw lalo na at sariwang hangin ang malalanghap namin doon.

May ibang sumang-ayon at may ibang magalang na tumanggi dahil nagkataong may lakad din sila samantalang ako ay nagdadalawang isip pa. Mahina ako sa mga inuman pero hindi rin naman alak ang ipupunta daw namin doon, pati nga pagkain din daw ay gustong e-try nina Ysha dahil may pa unlimited buffet daw sila roon. Gusto rin nilang manood ng Live Band.

Sabi pa nila mag enjoy daw kami paminsan minsan dahil kapag nasa oras kami ng trabaho eh halos wala kaming break time. Busy ang lahat at minsan nalang namin naisisingit ang kalokohan.

Napatingin ako sa oras. 3:37pm pa naman pero habang bumabiyahe ako kanina ay makulimlim ang kalangitan. Mukhang uulan ata lalo na at ang ihip ng hangin ay hindi normal, masyado itong malamig at malakas. Mukhang may bagyo atang paparating.

Habang tulak ko ang dalang cart ay napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Nag private message sakin si Ysha.

'Ano te? G ka? Try to step or get out dyan sa comfort zone mo. Explore din paminsan minsan.'

Napangiwi pa ako nang magsend siya sakin ng emoji na naka wink pa.

'Pag-iisipan ko muna mukha kasing uulan'

Iyon nalamang ang nireply ko at nang akmang ilalagay kona sana ito sa bulsa ko ay nag reply agad ang babae. Ang bilis naman niyang mag type.

'Ghad Camelle! You're already 24 years old! Hindi natin alam ang mundo, we don't know hanggang saang edad lang tayo mabubuhay so we should live to the fullest Hahahah'

Natatawa nalamang akong napailing at nag react ng 'haha' nalang doon sa message niya.

'NightClub ang pangalan ng lugar pero hindi naman actually bar iyon Te. FoodCamp lang naman na may pakunting party²'

"Why are you smiling? And who are you chatting with?"

"Anak ng!"

Nagitla pa akong napaharap sa taong nagsalita. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa labis na gulat at pagkabigla. Anak ng! Ang tahimik at payapa kong nagtatype dito tapos may biglang susulpot sa likuran ko at sumilip pa talaga.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon