Chapter 14

8.9K 281 13
                                    


Mabilis akong napamano agad at binitawan ang kamay ng Mama ni Theo. Napatindig ako ng tayo at napalunok ng wala sa oras nang mapatingin ako ulit sakanya.

Lumapit si Theo sa Ina at bumeso ito.

"Mom, I've been looking for you doon sa venue" sabi pa ni Theo nang matapos silang magyakapan.

"Omygoodness you still look handsome" biglang namula ang tainga ni Theo ng sabihin ito ng Ina niya at hinawakan pa ang magkabila niyang pisngi.

"Mom" mukhang nahihiyang usal pa niya. Napatawa ang kanyang Ina. "Manang mana ka talaga sa Daddy mo. No wonder bakit nahumaling itong si Audrey sayo"

Napalingon silang dalawa sakin at ako naman ang nahiya. Mukha akong natatae na ewan sa naging tawa ko. Inalis na nito ang pagkakahawak sa pisngi ni Theo at nakangiting tinignan kaming dalawa ni Theo.

"Why do you both look so shy? Be confident! mukhang nagliligawan pa ata kayo sa mga tinginan ninyo. Myghad may anak na kayong dalawa"

Mas lalo akong napamaang sa sinabi ng ina niya. Hindi ko inaasahan na sa edad niyang yan ay mukha parin siyang mga nasa twenties kung makapagsalita. Nakakaaliw siyang pakinggan pero mas nangingibabaw ang hiya saakin dahil ako ang pinagdidiskitahan niyang asarin yata.

Tumawa ito ng wala saamin ni Theo ang nagsalita.

"Oh come on! Let's go to the venue, I want to see my apo"

Napakurap ako ng ilang beses nang nilapitan niya ako at ipinulupot niya ang kanyang kamay saaking braso at isinandal ang kanyang ulo saaking balikat saka hinila palakad papuntang venue. Napalingon ako kay Theo na sumunod nalang din saamin. 

Mukhang ang pagiging malambing ni Theo ay namana niya sa Mama niya.

Ngumiti saakin si Theo na tila parang sinasabi ng ngiti niyang 'it's okay', napansin niya sigurong kinakabahan ako.

"How are you? Ang tagal nating hindi nagkita" malambing na tanong sakin ng Mama ni Theo habang nakasandal parin saakin.

"Ayos naman po Maam"

Napaalis ito sa pagkakasandal sakin. "Maam?" hindi nito nagustuhan ang narinig. " Don't call me that Darling. Diba sabi ko gusto kong tawagin mo na akong Mama or what do you want? Tita? Mommy? But still I want you to call me Mama"

Natatawa nalang ako sa kadaldalan ng Mama ni Theo.

"Mama nalang po"  'kasi wala naman po akong kinikilalang Mama, ikaw palang sa ngayon '.  Gusto ko sanang idagdag pa ang mga katagang to kaso wag nalang at baka magtanong pa saakin na hindi ko naman masasagot as Audrey.

Nang makarating na kami sa Venue ay halos lahat sila ay nagbebesohan at nagkwekwentuhan. Nagyayakapan at nagtatawanan pa. Samantalang ako ay nanatiling nakatayo dito sa gitna. Nag-iisang pinagmamasdan ang mga kaganapan. May ibang napapadaan sa harapan ko at bumabati sakin at ngumiti rin.

"Oh Theo's wife is also here. My darling, Audrey" nakangiti pang tinuro ng Mama ni Theo ang deriksiyon kung saan ako nakatayo. Napalingon ang dalawang kasamahan nito saakin. Mukhang hindi nila inaasahan na makikita nila ako ngayon na nandito, kalaunan din ay ngumiti at naglakad palapit sa deriksiyon ko.

Napalingon ako sa gilid ko ng biglang may yumakap sa may bewang ko. Si Theo pala.

"It's nice to see you, Iha" isang lalaking mga nasa mid 50s ang naglahad saakin ng kamay. Tinanggap ko ito na nakangiti at nakipag shakehands.

"I heard a lot about you"

Bigla akong kinabahan.

"Yeah, lagi kang bukang bibig nitong si Theo. Maybe you really are a lovely person" nakangiting dagdag ng babae.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon