Chapter 10

9.6K 296 9
                                    


I can't wait to get home. Everything went really smoothly. Hindi ko alam kung ayos paba ako dahil buong araw akong ganado sa trabaho at napansin din iyon ng secretary ko na panay ang ngiti ko raw na hindi ko naman namamalayan. But I really like this feeling and I'm starting to love it.

Wala na akong pakialam sa kung anong isipin nila sakin. For now, I just want to enjoy this moment. I can't wait to see their wide smile again especially seeing Audrey with her lovely laugh sa oras na ibigay ko sakanila itong pasalubong kong waffle na nadaanan ko habang nagmamaneho sa daan. I don't know, bigla ko lang siyang naalala ng makita ang stall na nagtitinda ng waffle.

Before, all I wanted was to go home as soon as possible to see my son, but now it's different because there are now two of them waiting for me. Hindi man kami katulad ng ibang mag asawa pero kontento na muna ako sa ganito. We are settling in little by little and I can't wait for us to be comfy with each other like the partners I encounter and witnessed their love to each other.

Nang makarating ako ng bahay ay inaasahan kong bubungad nanaman agad sakin ang halakhak na tawa ni Audrey kasama sina Manang at si Kaiden na tatakbo palapit sakin ngunit hindi iyon nangyari.

The house is very quiet. I sense that the atmosphere has changed. It feels like there is something missing and it makes me worried for some unknown reason.

Nang makarating ako sa may sala ay nakita ko si Kaiden na nakahiga doon.

"Sir"

Napalingon ako kay Manang. Magsasalita na sana ako nang mapansin kong agad na napabangon si Kaiden. Akala ko ay natutulog na ito sa sofa.

Mabilis itong naglakad papunta sakin at yumakap. "Papa" garalgal ang boses ng bata. "Dumating na ba si Mama?"

"Anong nangyari Manang? Nasan si Audrey?"

"Umalis po kaninang umaga Sir. May aasikasuhin lang daw po si Maam"

Napakunot ang noo ko sa narinig. Anong aasikasuhin niya? Bigla akong kinabahan. Nangyari na ito dati pa pero lumipas nalang ang ilang araw at buwan ay hindi parin siya bumalik.

"Pero babalik daw po siya agad Sir, iyon ang sinabi ni Maam Audrey bago siya umalis"

I am worried. Natatakot ako na baka uulit nanaman siya sa dati. I tried to stay calm at piniling paniwalaan ang sinabi ni Manang na babalik din agad si Audrey.

Just trust her this time Theo. Babalik si Audrey. Nangako siyang magbabago siya ulit.

"Kailan siya umalis Manang?"

"Kaninang tanghali po Sir"

Napahinga ako ng malalim. It's nearly 9pm at hindi parin siya bumabalik. Ang tagal naman ata ng alis niya.

Napatingin nalang ako kay Kaiden ng bumalik ito sa may sofa at may kinuha doong isang santan na ginawang bracelet. He carefully placed it in his palms and it looks like he is seriously taking good care of it para hindi ito masira , then he immediately ran to the open door. Mukhang hinahanap si Audrey.

"Kaiden" mahinahon kong tawag sakanya at parang nanghihina narin ang loob ko.

Napalingon ito saakin na naiiyak. Patakbo nanaman itong lumapit sakin. Muntik pa itong matumba dahil sa liit ng mga binti at ng hakbang niya.

"Hey, stay calm Baby. Papa is here" pagpapakalma ko sakanya at agad na umupo para magpantay ang paningin namin. Hinawakan ko siya sa magkabila niyang braso. Panay ang iling niya at mukhang magwawala na.

"Papa, si Mama, Papa"

"Anong sinabi sayo ni Mama?"

"Babalik po siya"

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon