Chapter 26

9.6K 255 12
                                    

Sabay kaming dalawa ni  Sir Theo na napatingin sa labas. Binuksan niya pa ang bintana ng kotche niya to make sure kung umuulan ba talaga at nang mabuksan ay mabilis niya rin naman iyong isinirado dahil sa sobrang lakas ng ulan na tila gusto pa atang pumasok sa loob ng kotche.

Grabe, ang lakas ng hangin at halos mabingi kami sa lakas at tunog na dulot ng ulan. Biglang tumunog ang cellphone ko senyales na may nagchat sakin. Napansin ko pa ang paglingon sakin ni Sir Theo nang kunin ko ang cellphone ko sa tote bag ko. Tinignan ko kung sino ang nag chat.

Si Ysha lang pala.

'Camelle, mabuti nalang hindi ka tumuloy. Ang lakas ng ulan babagyo ata! Mukha na kaming basang sisiw dito na nagsiksikan sa loob ng tent hahahaha ang iba nagsiuwian'

Natawa ako bigla kaya naman ay nagtipa agad ako sa keyboard para replyan si Ysha.

"Who's that?"

Napatingin ako kay Sir Theo.

"Si Ysha po, nag chat sakin" sagot ko pa sakanya at itinuon ulit ang atensyon ko sa cellphone.

'Ingat kayo. Umuwi agad kayo kapag tumila na ang ulan'

Hindi ko na hinintay ang reply niya at agad ko naring ibinalik ang cellphone ko sa loob ng Tote Bag. 

Habang umaandar ay dahan dahan lang si Sir Theo sa pagmamaneho dahil halos wala narin siyang makita sa daan dahil sa hamog na dulot ng ulan, bawat patak nito ay ang lalaki kaya halos malabo na ang nakikita namin sa daan. Mukhang babaha pa ata dito sa kalsada. May namataan pa kaming mga sasakyan na nagsitigil nalang sa mga nadadaanan nilang hotel para doon nalang mag stay.

Sinubukan kong punasan ang salamin gamit ang palad ko na nasa harap namin dito sa sasakyan, nagbabasakaling maging malinaw ito at makita namin ng maayos ang kalsada pero walang nangyari. Dapat ata sa labas ko ito punasan.

"Ayos ka lang ba? Kaya mo pa bang mag drive?" Kinakabahan kong tanong sakanya at nababahala narin ako dahil baka maaksidente pa kami dito.

"Yeah, malapit narin naman tayo sa bahay mo"

Napalingon nalamang ako sa kalsada at tinitignan ang bawat pagpatak ng ulan.

"Huwag nalang tayong tumuloy don. Iuuwi nalang kita" mahinahong saad pa ni Sir Theo na nasa kalsada ang atensyon. Napatango lamang ako sabay sandal nalang pabalik sa kinauupuan. Napalingon ako kay Kaiden na tuluyan na ngang nakatulog dito sa kandungan ko. Napangiti nalamang ako habang pinagmamasdan ang bata sabay hagod ng marahan sa likuran nito.

Ilang minuto din ang lumipas nang makarating kami dito sa tapat ng apartment ko at huminto na ang sasakyan. Napakagat labi nalamang akong napasilip sa labas habang nandito parin ako sa loob ng kotche at nag-iisip.

Nagdadalawang isip akong yayain nalang siyang mag stay muna sa bahay ko kasi delikadong bumyahe na ganito ang sitwasyon ng panahon kaso nahihiya ako dahil hindi ganon kalakihan ang apartment ko. Isa pa ay baka hindi rin sila magiging komportable sa place ko lalo na at laking mayaman sila. Hayst! Nag o-overthink nanaman ako.

"Wag ka munang lumabas" naguguluhan akong napalingon kay Sir Theo nang makita siyang agad na lumabas ng kotche at pumunta doon sa likuran nito at tila may binuksan doon para may kunin.

Ang lalaking to, ang lakas ng ulan!

Nang makita kong payong pala ang kinuha niya doon ay nakonsensya tuloy ako. Binuksan niya ang pinto kung saan ako nakaupo. Tulala akong napalingon sa mukha niya habang kasalukuyan na siyang nakasilong ngayon sa kinuha niyang payong kanina.

Sa sobrang lakas ng ulan ay tila nagbasang sisiw na agad siya at kahit anong bilis niyang kumilos para kunin ang payong ay wala paring nangyari. Napabuntong hininga nalamang ako sabay tanggal ng seatbelt at agad na lumabas ng kotche habang karga ko parin si Kaiden na natutulog.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon