Chapter 8

10.6K 303 10
                                    


Hindi ko na alam kung hanggang kailan mananatili itong ngiti sa labi ko. Sobrang saya at halos hindi kona namamalayan ang mga nangyayari. Tila parang nakalutang lang kami sa mga ulap. Pagod man at puno na kami ng pawis ay hindi dahilan iyon para tumigil kami sa pamamasyal dito, halos libutin na nga namin ang bawat sulok ng amusement park.

Napalingon ako kay Theo na kasalukuyang karga ngayon si Kaiden sa mga bisig niya. Panay ang tingin nila sa mga taong nandito at mukhang naaaliw pa silang titigan ang mga pinanggagawa ng mga tao rito, may nag-uusap, nagtatawanan, nagkukulitan, may ibang tahimik lang din at naghihintay sa fireworks display, may ibang nag te-take ng pictures at may ibang magkayakap pa.

Napangiti ako bigla. Hindi ko inaasahan na magiging maayos ang daloy ng pasyal namin ngayon. At dahil sa pasyal naming ito ay may karagdagang kaalaman akong nalaman tungkol sakanya.

Hindi naman talaga siya suplado at kill joy, sumasabay siya sa kung ano ang mga nangyayari. Kaya siguro napagkakamalan itong masungit kasi lagi siyang nakasimangot. Kailangan lang talaga siyang kilalanin ng maigi at doon mo lang malalaman kung ano ba talagang klaseng tao si Theo. Gusto ko pang malaman ang lahat na tungkol sakanya. Gusto ko pa siyang kilalanin ng buo.

Napahinga ako malalim at dinamdam ang sariwang hangin. Kasalukuyan kaming nakatayo ngayon sa gitna ng amusement park. Maraming mga tao ang naghihintay din dito. Akmang aalis na sana kami kaninang alas kwatro ng hapon pero may nakita kaming isang poster na may fireworks display daw na magaganap ngayong 6pm, kaya ayon hindi na namin iyon pinalagpas pa lalo na at baka hindi na maulit to. Gusto ko lang manigurado.

Ang aliwalas ng paligid. Talagang napaka-enchanted ng lugar, mula sa mga desenyo, ilaw, at kulay ng mga palamuti na nakadesenyo ay sadyang nakakaakit tignan.

Minsan ko na ring pinapangarap na makapunta dito kasama ang magiging pamilya ko in the near future pero hindi ko inaasahan na si Theo at si Kaiden ang unang pamilya na makakasama ko rito. Napaka unexpected lahat ng mga nangyayari lalo na sakin na napunta dito sa katawan ni Audrey.

Kung hindi dahil dito ay hindi ko mararanasan to. Hindi man naging maganda ang simula namin pero balewala na iyon sakin lalo na at tila unti unting nagiging maayos na ang pamilya ni Audrey na pamilya ko na rin.

Pero hindi ko maiwasang matakot. Ang saya namin ngayon at nababahala ako kasi nung huling araw na nakaramdam ako ng labis na saya bilang si Camelle ay bigla ring may sumunod na trahedyang nangyari sakin.

Kaya minsan dati ay ayaw kong masyado akong nagiging masaya kasi natatakot ako sa mga sumusunod na mga mangyayari at baka bigla nalang palitan ang sayang iyon ng labis na kalungkutan.

Nagsimulang magcount down ang mga tao para sa papalapit na fireworks display. Napatingala ako sa madilim na kalangitan kung saan kasalukuyang kumikislap ang mga milyon-milyong bituin.

Nagulat ako at agad na napatingin kay Theo nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Let's just enjoy this moment Audrey.....for Kaiden" sabi niya sakin at mukhang nakikiusap at nababahala na baka iwakli ko ang kamay niya at bitawan. "As a family. A happy one" maikli man ang mga katagang sinabi niya sapat na iyon para maramdaman kong sincere siya sa kanyang sinasabi. Napakahinahon ng kanyang boses, ang mga mata niya ay puno pag-asa.

Nanatili lang akong nakatitig, kasabay non ang pag ihip ng malakas at malamig na hangin na siyang sabay na ikinausbong ng damdamin ko para sakanya.

Nagsigawan ang mga tao nang isa isang nagsilabasan ang mga fireworks sa kalangitan na siyang pagtingala ko para pagmasdan kung gaano kaganda ang fireworks. Pati si Kaiden ay namangha at napasigaw sa tuwa.

Dahan dahang inalis ni Theo ang kamay niya ng wala siyang marinig na kataga mula sakin.

Ito naman! Ang bilis magtampo.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon