Chapter 12

10.2K 272 5
                                    


Napatitig nalamang ako kay Theo at nanatiling nakaupo parin dito sa sahig samantalang siya ay kanina na palang nakatayo at tinitignan iyong niluluto kong adobo. Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot iyong puso ko.

Natutuwa akong marinig iyon mula sakanya, simula nang magkaayos kami at naging komportable sa isa't isa ay ngayon niya lang nasabi ang mga katagang iyon saakin. Nahuhulog narin ang loob ko sakanya ngunit may parte saakin ang nagsasabing hindi ito tama, na wala parin akong karapatan sakanya.

Laging pumapasok sa isip ko ang naging usapan namin ng misteryosong lalaking iyon sa hospital.

Huminga ako ng malalim. Ngayon lang Camelle, pagbigyan mo rin ang sarili mo. Just cherish this moment habang nandito kapa. Kalimutan mo muna lahat at isipin nalang muna kung ano ang meron ngayon sainyo ni Theo. Gagawin ko lahat at gagawa ako ng paraan para hindi ako mahiwalay at mawala sa pamilyang to.

Sa loob din ng ilang araw ay paminsan minsan din ay bumibisita ako doon sa hospital kung saan ako naka confine, minsan ay nakakasalubong ko doon si Ysha na bumibisita rin sakin doon sa tuwing may oras siya, minsan naman ay sina Sister Ana at Madre Ofelia na siyang namamahala doon sa bahay ampunan na pinanggalingan ko. Nabalitaan din kasi nila ang nangyari sakin dahil minsan naring bumisita doon si Ysha sa bahay ampunan at naikwento sakanila ang tungkol sakin.

Kahit na wala man akong pamilya na kadugo kong bumibisita sakin doon, isang napakalaking bagay na saakin na kahit papano ay may mga tao ring nagmamalasakit sakin at bumibisita sakin doon sa hospital. Minsan rin ay na be-beast mode ako sa tuwing nakikita ko doon ang misteryosong lalaki na walang ibang ginawa kundi ang magtanong ng mga nonsense na mga bagay.

Napag-alaman ko rin na ang kompanyang nag mamamay-ari doon sa ten wheeler truck na nakasagasa sakin ang sumalo sa iba at ang nagbayad ng mga expenses at hospital bills ko doon sa Hospital since responsibilidad nila iyon at natatakot na baka masira ang pangalan ng kompanya nila. Mabuti nalang ganon ang nangyari at hindi narin nakulong ang driver dahil wala namang kahit anong atensyon ang taong patayin talaga ako, sadyang aksidente lang talaga.

"Papa! Mama!"

Napatingin kaming dalawa ni Theo kay Kaiden na kakarating lang dito sa may kusina. Puno ito ng pawis at mukhang hindi pa tapos maglaro doon sa labas kasama sina Ate Ruby, Keira at Manang.

"Sali po kayo samin. Naglalaro po kami ng habol habola——

"Ay jusko Maam, wag na" kapos hiningang pagputol ni Ate Ruby sa sinabi ni Kaiden. Kakarating lang nila ni Keira dito at mukhang pagod na sa kakatakbo.

"Malalagotan tayo ng hininga. Ang liksi ng batang to hindi ko na ma reach ang takbo niya" dagdag pani Keira at napasandal pa sa pader at doon namamahinga.

Napatawa nalamang ako.

"Baby, rest ka na muna. Look oh, pagod na sina Ate Ruby at Ate Keira mo" napanguso nalamang si Kaiden.

"Okay po"

"Don't worry, may bukas pa naman" sabi ko at tumayo na sa pagkakaupo pagkatapos ay nilapitan ko si Kaiden at ginulo ang buhok niyang basa narin dahil sa pawis.

"Si Kuya Roberto nga Ma'am ay napahiga nalang doon sa may damohan" natatawa pang kwento sakin ni Keira. Napangiti nalamang ako, hindi ko inaasahan na kasali rin pala si Kuya Roberto sakanila. Minsan lang kasi itong sumasali sa paglalaro dahil mas inuuna nito ang pagtulong kay Manong Ben, maliban sa pagiging driver din kasi nito ay isa rin kasi siya sa nag-aalaga dito sa mga halaman at puno para mapanatili itong masigla at buhay na buhay ang hardin namin dito sa bahay.

"Hay O'siya, Ma'am, Sir. Pahangin lang po muna kami sa labas" nagbigay galang pa silang dalawa samin bago tuluyang umalis.

"Sige po Ate Ruby. Pahinga nalang muna kayo" sabi ko. Kakatapos lang din kasi nilang gawin iyong mga gawain nila dito sa bahay at ito namang si Kaiden ay nagyaya pa sakanila.

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon