Chapter 19 (The Story of Audrey-Part 3)

7.1K 231 14
                                    


"Audrey please"

Inis niyang binuksan ang pinto ng apartment niya. Bumungad sakanya si Theo habang karga nito ang tatlong buwan na si Kaiden.

Matapos itong pumayag sa deal nila ay ang buong akala niya ay magiging matiwasay na ulit ang buhay niya. Siyam na buwan siyang naghirap na kargahin ang bata sa sinapupunan niya. Tinupad din naman ni Theo ang pangako nitong babayaran siya nito sa pagbubuntis sa bata. Siyam na buwan rin siyang hindi nagpakita sa kanyang Ate at nagtago rito. Wala siyang balak na ipaalam pa ito sa kapatid. Tine-text at tinatawagan niya lang ito at laging dinadahilan na nagbabakasyon siya kasama ang mga kaibigan.

Pagkatapos niyang manganak ay lumayo siya sa mga ito at magsisimula ulit. Laking inis niya rin pagkat nagkaron pa siya ng stretch marks sa pagbubuntis. Ngunit ayos na rin pagkat naging sulit para sakanya ang siyam na buwan na pagbubuntis dahil hindi na niya kailangan magtrabaho pa , tunay na ang lalaki nga ang gumastos sa lahat at nagbigay sa mga pangangailangan niya sa pagbubuntis. Sa madaling salita kahit na hindi niya kailangan ang isang bagay para sa pagbubuntis ay hinuhuthutan niya ito ng pera para sa sarili niyang luho.

Lagi siyang dinadalhan nito ng groceries at mga gamit sa pagbubuntis sa apartment niya. Nagyaya pa ito sa kanya na doon nalang tumira sa bahay ng lalaki ngunit tumanggi siya at baka ano pa ang mangyari sakanya doon. Hindi niya alam kung nakatira pa ba ito sa poder ng mga magulang o hindi. Pero kung nandoon man ang mga magulang nito ay ayaw niya rin itong makilala.

"Ano nanaman ba ang kailangan mo?"

Ilang beses na itong nakikiusap sakanya na kahit isang beses lang ay subukan niya ring magpakaina sa Bata pero ayaw niya. Ano bang alam niya sa pagbabantay ng bata? Wala rin siyang maibibigay na pag aaruga rito dahil wala siya non. Isa pa gusto pa niyang magpakasaya sa pera ng lalaki, ayaw niyang maging Ina at wala rin naman siyang maibibigay na pagmamahal sa bata.

Para kay Audrey napakadali lang pala ng buhay kung marami kang pera at ipinasasalamat niya iyon sa lalaki.

"Audrey alam kong sobra na tong hinihingi ko sayo pero may napagtanto ako. Kawawa ang bata kung lalaki siyang walang Ina--

Napairap siya sa sinabi nito.

"Jusko Theo! Maghanap ka ng ibang babae! napakasimple lang ng problema mo. Marami kang pera maghanap ka nalang ng nanay nanayan ng batang yan--

"How can you say that? Anak mo rin to—

"I told you ayaw kong buhayin ang batang yan. Ikaw ang nagpupumilit at anong nangyari? Ito ka ngayon, namomoblema. Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa parents mo ang nangyari?"

Pati ang mga magulang nito ay wala ring alam. Natatakot si Theo na madismayado ang mga magulang sa nagawa niya lalo na at nakabuntis siya ng babaeng hindi naman niya asawa.

"Yan ang hirap sa inyong mga lalaki. Ang tapang niyong mag desisyon tas sa huli ay nagiging duwag kayo" matamlay na napatingin sakanya si Theo.

"Kahit para sa bata lang"

Bahagya siyang natigilan nang maging malamlam ang boses nito. Tila bumalik sa mga alaala niya ang nangyari sa dating karelasyon.

"Bigyan natin ng buong pamilya ang anak natin at gusto ko ring subukang kilalanin ka"

Natulala nalamang siya. Nagiging sarado na ang isip niya. Masyado siyang nakulong at naiwan sa nakaraan kung saan ang pagmamahal niya ay nandoon sa lalaking huling iniwan siya. Biglang nanikip ang dibdib niya nang maalalang iniwan siya nito para panagutan ang bata at ang ibang babae. Ni hindi man lang nito naisip ang nararamdaman niya.

Tuloy di niya namalayan ang sariling tumutulo na pala ang kanyang mga luha sa harap ni Theo. Sadyang pinaglalaruan siya ng tadhana.

"We can learn to love each other Audrey at kung mangyari iyon ay magpapakasal tayo—

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon