Chapter 15

9.3K 246 22
                                    


"Anong ibig mong sabihin?"

Napahinga siya ng malalim at napapikit na nakayukong napahawak sakanyang batok pagkatapos ay tinignan niya ako ng maigi.

"You're not Audrey"

Napaatras ako ng bahagya at kinakabahan sa sinabi niya. Pano niya nalaman? May alam ba siya sakin?

"I have an ability and no one knows, not even my family" pumungay ang kanyang mga mata sa sinabi pagkatapos ay seryoso niya akong tinignan.

"Naguguluhan ako——

"I can see souls"

Natigilan ako at biglang nagtaasan ang mga balahibo ko. Totoo ba ang sinasabi niya? Mukhang hindi naman siya nagbibiro pero kung nagsasabi siya ng totoo. Totoo pala talaga na may mga taong may kakayahan na hindi pang ordinaryo. Kaya pala may kakaiba siyang aura.

"Mga ligaw na mga kaluluwa" lumapit siya sakin at ilang inches lang ang layo ng pagitan naming dalawa. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang lapit niya. Nakatitig siya sa mga mata ko at tila parang may tinitignan doon. Nakakakaba ang pagiging seryoso niya.

"If I am this close. I can see you through staring deeply into your eyes" walang emosyon niyang sabi saka napalayo sakin. Napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag. "Ganon din sa iba" pagtukoy niya sa ibang nakikita niya rin dati.

"Pano? Bakit may——

"Hindi ko rin alam. Many people want to be gifted with extraordinary abilities, but they are so ignorant na ang pagkakaroon non is a curse. Although it may be a blessing for others but for me it is really a nightmare" ramdam ko ang pait sa tono ng kanyang boses at mukhang hindi naging madali ang mga pinagdaanan niya sa pagkakaroon ng ganyang kakayahan. "Not until I met my husband and I slowly became grateful for having this ability" tukoy paniya sa isang tao na hindi ko pa nakikita dito.

"Bakit hindi mo sinabi sa pamilya mo? Maiintindihan ka nila" walang pag-asa ang mga mata niyang nakatingin sakanya.

"Sinubukan ko. But you know what happened? They consulted me with a psychologist" napaiwas siya sakin ng tingin at binaling ang atensyon sa dagat na walang tigil sa pag alon. "They were very worried about me, and I was also terribly hurt sa ginawa nila. Iniisip ko na kaya nila ginawa iyon dahil they might have mistaken me for being insane or crazy. Well, I can't blame them, sino naman ang maniniwala?" napatingin siya sakin.

Bigla kong naalala ang sinabi ng misteryosong lalaki. "Ang tanging maniniwala lamang ay yung mga nakaranas lang at walang sinoman ang maniniwala sa wala pang karanasan"
naiusal ko bigla ang katagang sinabi sakin nong lalaki. Napatingin si Loraine sakin at bahagyang nagulat.

"Don't tell that you met that man?"

"Yung misteryosong lalaki ba ang tinutukoy mo?"

Napakunot ang noo niya. "What? Hindi mo alam kung sino ang j*rk na yun?" Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Mukhang ang laki ng galit niya sa lalaking iyon.

"He is one of the guardian of souls" sinuri niya ang reaksyon ko."I can't believe hindi mo alam yon"

Napaiwas ako ng tingin "Akala ko si kamatayan"

Napatawa siya sa sinabi ko. Biglang nawala bigla ang bigat ng nararamdaman ko sakanya. "Well sort of"

"Pano mo siya nakilala?"

Napahinga siya ng malalim. "When I was a kid lagi ko siyang nakikita sa tuwing may aksidenteng nagaganap or sa tuwing may mga trahedya at namamatay. I was thinking na maybe it was just a coincidence pero nagsimula akong magtaka kung bakit palagi nalang siyang nandon. I even mistook him as a police and even being a doctor but I was completely wrong"

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon