Chapter 3

117 16 0
                                    


He suddenly sit beside me na akala mo close kami! Si mom naman parang wala lang sakanya at pangiti ngiti pa siya. Habang nagsesermon si father ay wala na akong maintindihan, hindi ako makafocus dahil sakaniya at sobrang nakakailang! After the mass my Mom and his parents decided to have a lunch together. What a torture.


"Aliesha ano ba anak, mukha kang lintang nakadikit saakin." Reklamo ni mama saakin, hindi naman ako ganto kadikit sakanya pero ngayon pati kamay ko nakahawak sa braso niya na akala mong mawawala ako. Kasalanan tong lahat ni Aziel eh!


Nakakacurious lang kung paano sila naging magkakaibigan nila kuya at Levi, like I want to know also about them. Maybe I will asked Mom kapag may time, hindi naman siya palakwento at naguusap lang kami kung may paguusapan na importante. 


"Do you like him?" Napatingin agad ako sakanya dahil parang alam ko na ang tinutukoy niya, she smile at me na parang nanalo sa loto. 


"Mom?!" Tinignan ko siya ng masama, at siya naman ay tumawa lang. Yes, I know may impact si Aziel saakin but sa pagkakataong to kailangan ko munang protektahan ang puso ko at masyado pang maaga para magkagusto sakanya, ni wala nga akong alam tungkol sakanya. 


"Come on anak, I know you like Levi pero iba yung tingin mo kay Aziel kanina." Then she winked at me, what  a great mom?! hindi na ako nakapagprotesta pa dahil saktong natigil na din ang sasakyan namin sa isang restaurant. 


Pagkababa namin ng sasakyan, nauna ng pumasok sila Aziel dahil may reservation na pala sila pero nagpadagdag lang ng two seats para saamin. Manang Rica said na hindi na siya sasama kaya wala naman kaming nagawa ni mom. 


While we are waiting, Aziel suddenly go near beside me tinaasan ko siya ng kilay what's with him?! ni-hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa puso ko tapos siya pa tong bigla bigla tatabi. Tahimik lang akong nakamasid, while mom has this weird smile on her face. 


"So, Aziel iho saan ka nag-aaral?" panimula ni mama sakanya, biglang namula ang dalawang pisngi ko sa tanong niya, nakakahiya bakit niya pa kailangan itanong.  Of course, alam kong same kami ng university dahil magkaklase kami, pwede naman ako nalang tanungin ni mama, or baka mas lalo siya makahalata or magtaka na bakit alam ko?


"Same as the university where Thana's studying." Oh gosh pinagpapawisan ako, at the same time hindi ako mapakali, knowing Mom? bibigyan at bibigyan niya ng malisya. Wala namang masama sa tanong niya pero bakit ganto ako. 


Mom look at me with her so you two are classmates look, inirapan ko nalang siya at umiling iling. Tinawag na kami ni tita, dahil okay na yung reservation. Hindi na bago saakin ang pumupunta ng restaurant dahil minsan na kaming kumakain doon with Dad, pero every time na meron siya parang gusto ko nalang kumain sa fast foods. The restaurant is very fancy, halatang sobrang mamahalin ng foods dito. 


I just ordered steak nakakahiya naman kung marami akong maorder tapos sila pala magbabayad, Aziel ordered same with mine. Gusto kong umirap sa kawalan pero pinipigilan ko lang. Medyo kumakalma na tong puso ko hindi gaya ng kanina na parang lalabas na. 


"What is your course, Thana?" Nilingon ko ang papa ni Aziel dahil sa tanong niya, Actually ayoko sinasabi ang course ko kasi hindi ko gusto but wala naman akong magawa. 

Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon