Lumipas ang mga araw pero walang pagbabago sa relasyon namin ni Aziel ganon pa din naman kami, kapag may free time siya ay magdadate na agad kami kahit simple lang ulit masaya na kami.
Malapit na din kaming mag isang taon, hindi ko namalayang December na pala at pag tungtong ng February 3rd year college na kami. Gosh sobrang bilis ng araw at panahon parang kailan lang nagchichill kami pero patagal ng patagal ay pahirap na din ng pahirap.
Naipasa namin lahat ni Miya ang mga subjects kahit pa sobrang hirap kinaya naming dalawa, minsan nalang din namin makasama si Ayani at Kurt dahil kung busy kami ay mas busy ang dalawang iyon. Hindi na din nakakapunta si Ayani saamin dahil mas marami na siyang gawain ngayon, mauuna kaming grumaduate kaysa sakanyang may two years pa.
Si Aziel naman pwede na siyang grumaduate pero sabi niya gusto daw niyang magkasabay kami, tapos na din kasi niya ang Internship niya kaya naman sa company nalang muna siya nagwowork. Nakakakuha na din siya ng income niya, maganda talaga kapag inadvance lahat ng subjects buti pa siya at kaya niya. Gusto din sana ni Miya kaso ayaw niya akong iwan.
Sa Company na din namin si Miya mag iinternship para bawas na sa struggle niya maghanap, sabi pa nga daw niya kung saan ako doon din daw siya, ewan ko ba sakanya mukhang ayaw niyang mahiwalay saakin.
Alam kong impossibleng saakin ipapamana ni Dad ang company niya, pero gusto kong iprove sakanya na karapat dapat ako. Actually, ayokong ipamana niya saakin pero sabi ni Mom kakailanganin ko daw iyon kapag nagtrabaho na ako, I just need to prove to my dad that I am worthy to have his company.
Ang plano ay dapat sa bahay kami magpapasko, pero sabi ni Aziel sa bahay nalang daw nila wala naman kaso doon mas okay nga kasi ang tagal ko na din hindi nakikita si Tita. Uuwi na din si mama this week hindi lang niya sinabi yung exact date.
Mahirap para saamin tanggapin na may kapatid kami sa iba, mas mahirap makitang nahihirapan si mama sa sitwasyon namin ngayon. Okay lang sana kung kami lang nakakaalam ni kuya. Hindi na ako umuuwi sa bahay namin, nakatira na pa din ako sa condo ni kuya pero ngayon ipapaalam ko na maghahanap na kami ni Aziel ng condo.
Ito na din ang last day namin bago mag pasko, puro rush nanaman ang lahat sobrang busy ako halos hindi na din ako makareply kay Aziel dahil sa sobrang daming ginagawa, good thing may puso ang kuya ko tinutulungan niya ako kapag wala akong maintindihan.
Pagdating ko sa dorm, nakita ko si kuya nagluluto na ng dinner namin. Siya na ang tumayong magulang ko dahil kailangan pa ni mama magheal. Hindi biro ang ginawa saamin ni Dad, kaya hinayaan nalang muna namin si mama.
"Wow, I can smell our delicious dinner kuya!" Masayang sambit ko sakanya papuntang kusina, lumingon naman siya saakin at ngumiti. Swerte nalang ang magiging jowa ng kuya ko, kung meron man siyang nagugustuhan ngayon sana hindi siya saktan.
"Tinola is ready. You can take a shower before we eat, Thana."." Agad naman akong tumango sa sinabi niya. Konting tiis nalang malapit na akong mag third year, ngayon ko na din ipapaalam kay kuya na hahanap kami ng condo ni Aziel.
Pagkatapos kong maligo, pumunta na agad ako ng dining table dahil nagugutom na talaga ako, kita ko din na nagcecellphone si kuya pero binaba niya din agad para makakain na kami. Tahimik lang kami hindi ko alam paano ko sisimulan sabihin sakanya.
BINABASA MO ANG
Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)
RomanceSurrounded by cruelty and hardship, Thana Aliesha Corstlejen wants to break free from the bitterness, seeking to make her dad proud. She's trying to prove herself in business management, not because she loves it, but to satisfy her father. Aziel Ama...