Chapter 22

31 8 0
                                    



Paglabas ko ng fitting room, nakita kong wala na din yung lalaki. Buti naman dahil baka pagkamalan nila Miya na siya si Aziel mas lalo pang nakakahiya. Nakita ko sila Miya na nagtitingin din ng damit kaya pinuntahan ko sila.


"What!? 5,000 pesos?! Isang damit lang? Bakit ang mahal?" Nakita ko kung paano umawang ang bunganga ni Miya dahil sa price na nakita niya. Pag ako kasi bumibili hindi ko na tinitignan kung magkano hindi ko naman pera ang ipanggagastos ko.


"You want that?" Tanong ko sakanya, maganda naman ang napili niya, crop-top ito matching with skinny jeans. Nahiya namang napatingin si Miya saakin at agad na umiling, napatawa ako dahil sa reaction niya, kinuha ko ang gusto niya para isama sa babayaran ko.


"Hoy Thana! Ang mahal seryoso ka ba?!" Tumango ako sakanya, umalis na ako sa harapan niya para wala na siyang masabi. Sunod kong pinuntahan ay si Ayani na parang confused pa alin ang pipiliin niya. Hawak niya ang isang denim na light blue jacket ang isa naman ay dark.


"Which one?" Tanong niya saakin at pinakita ang pinagpipilian niya, mas gusto ko sa light simple lang siya at bagay sakanya. Tinuro ko ang light blue kaya ito na din ang kinuha niya. 


"Akin na ako na ang magbabayad" Nilahad ko ang kamay ko para kunin ang gusto niya, namilog naman ang mga mata niya. Tinignan naman niya ang presyo gaya ng mukha ni Miya ay ganon din ang naging reaction niya.


"Gaga 8,000??! Anong shop ba to sa ibang bansa ba kaya ganito kamahal!?" Napatawa naman ako dahil sa reklamo niya.


Nakita ko din na nandito na sa tabi ko si Miya, mukhang masaya na ulit siya ngayon. Hindi naman sa nagjujudge ako, pero nung una talaga akala ko mayaman sila Miya, isa na din doon yung gusto niya akong bilhan ng necklace nagulat nalang ako dahil ipon pala niya ang ipambibili. 


"Thana kung utang man yan huwag mo na ako bilhan." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Miya. Bakit naman utang? Ako ang nagsabing magbabayad kaya wala namang kaso saakin.


"Tapos na ba kayo?" Sabi ni Kurt, wala yata siyang gusto dito mukhang hindi din siya mahilig mamili ng mga ganito.


"Wala kang napili?" Tanong ko sakanya, tinawanan naman niya ako at tinitigan. Itong titg niya ang ayaw ko dahil nakakailang. 


"Meron kaso hindi ako ang pinili." Napatawa naman si Ayani sa sinabi niya maski ako din. Really?! Nagdrama na siya niyan? Tinapik tapik pa niya ang dibdib niya. 


"Ayan kasi, tama na umasa masasaktan lang whahahha!" Singit naman na sabi ni Miya kaya pati ako natawa sa sinabi niya. 


"True Miya kaya wag ng umasa." Kita ko ang nakakalokong ngiti ni Ayani na ikinapula naman ni Miya. Umiling iling nalang ako dahil sa kalokohan nila.


Matapos kong magbayad, binigay ko na isa isa sakanila ang napili nila. Agad naman nilang hinawakan ang magkabilaang braso ko at sabay ngumuso. 


"Thank you!" Sabay nilang sabi, Tumango lang ako mukha silang mga pato.


Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon