Chapter 20

42 9 0
                                    


Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi pa din nawawala sa isip ako ang text ni mama saakin, hindi pa kami umalis ng bahay nila Miya dahil nagpaalam muna siya na matutulog saamin. Sisimulan na kasi naming gawin yung Research para may mapakita na kami next week.


"May nasabi si Miya saakin na hindi ka daw sa bahay niyo nakatira?" Nakita ko namang nagtaas ang kilay ni Ayani, samantalang si Kurt ay kumunot ang noo niya. Wala talagang maitataging sekreto kay Miya. Bumuntong hinga ako para mag explain sakanila.


"Do you remember yung babae na kasama ni Dad sa mall dati?" Tumango naman siya, si kurt ay nakikinig lang saamin.


"Well sa bahay na sila titira, si mama nasa ibang bansa tapos sa condo ako ni kuya nakatira, hindi pa alam ni Aziel pero hindi ko alam kung sinabi na ba ni Kuya sakanya." Pagpapaliwanag ko, nakita ko kung gaano nag-iba ang expression nilang dalawa. 


"What the fucking hell is wrong with your Dad?!" Galit na sabi ni Ayani, halos namumula na din siya. Umiwas naman ng tingin si Kurt pero alam kong galit din siya.


"I have no idea, but my brother told me that I don't need to worry." I just shrugged nawawalan na ako ng gana kapag sila ang nagiging topic.


"What about your mom?" Kurt asked, napatingin ako sakanya nakikita ko din sa mga mata niya ang galit. 


"My mom texted me something, and I am concerned about her. She knows about Dad's mistress." Umiwas ako ng tingin dahil parang maiiyak nanaman ako. Tumikhim si Ayani ng mapansing nag-iba na ang mood ko. 


"Sorry hindi ako makakasleep over ngayon dahil sa sobrang daming babasahin and gagawin." Ayani told me with his concerned voice, but I just shookt my head to tell her that it is okay.


Sumakay na din kami sa sasakyan ko at nagpaalam sa mama ni Miya, masayang kasama ang mama ni Miya nakakatuwa at nawawala ang lungkot. Tahimik lang kami sa sasakyan ko walang kumikibo ni isa saamin. 


Tinanong ko na din sila Kurt kung saan ang bahay nila para mahatid ko na, Malaki din ang bahay nila same na naka village kaya talagang strict, tinanong pa nga ako ng guard kung sino daw ako buti nalang nagpakita si Kurt at pinapasok naman kami. Nagpaalam na kami sakanya ayaw pa sana niya kaming paalisin pero late na din kaya sa susunod nalang kami bibisita sakanila.


Sunod ko namang hinatid si Ayani sakanilang bahay, same with us na nakatira din sila sa village. In fairness dahil maganda dito, bumaba na siya at parang may malalim na iniisip.


"Thana wait lang huwag muna kayo umalis, hintayin niyo ako!" Nagtaka naman kami ni Miya dahil sa sinabi niya, wala naman akong magagawa kaya hinintay namin siya saglit.


Nagulat nalang kami ni Miya na may dala dala na siyang bag, at tatlong mabibigat na libro. Agad kaming lumabas ni Miya para tulungan siya. Bakit naman siya maglalabas ng ganito kakakapal na libro? Saan siya pupunta?


"Matutulog ako sa bahay niyo Thana! Doon nalang ako magbabasa at gagawa ng mga assignemnts." Ngiti niyang sabi saakin, hindi pa din ako makapaniwala sakanya, talagang pupunta siya sa condo?! 

Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon