Chapter 16

36 9 0
                                    




Matapos naming kumain, nagpaalam na si Aziel may gagawin pa daw siya. Alam ko namang busy yon kaya hindi siya dito matutulog. Naiintindihan ko lalo na't trinatrain na siya ng papa niya sa pamamalakad ng company nila.


Nandito ulit kaming apat sa sala, nakaayos na din kami ng higaan kaya ready to sleep nalang pero biglaang may kwentong nagaganap ewan ko lang kung anong oras nanaman kami matutulog.


"Hindi kami mayaman, ang nanay ko nagbebenta lang sa palengke minsan naman nagraraket siya sa mga bar bar hindi na sana ako papayag na doon pa siya kaso mapilit eh." Nagulat ako ng magsimulang magkwento si Miya, hindi ko akalain na ganyan pala ang buhay niya, first time lang kasi niyang nag open-up.



"Scholar lang ako sa school kaya kailangan ko pagbutihin, gusto ko din namang yumaman kami ng nanay ko para hindi na siya magtinda pa, ang tatay ko naman iniwan na kami simula nung bata pa ako. Naalala ko pa nung pumunta kami ng accessory shop ni Thana may nakita kaming kwintas doon, gusto ko yon bilhin para sakanya nag-ipon ako para sana iregalo yon pero bigla niya akong hinila." Pagtutuloy niya sa kwento niya, oo naalala ko yon din yung time na nakita ko si Aziel. My heart softened when she said that she was willing to buy that. I stared at her, and she smiled at me.



"May nagugustuhan na nga din ako eh! Pero iba yung gusto niya ang malala pa yung gusto niya may iba ding gusto hahahahaa diba parang fair lang!" Nagulat ako ng sabihin niya yon, sino naman ang gusto niya? Si Kurt? Tinignan ko si Kurt pero iniwas niya lang ang tingin niya, parang may something talaga sakanila pero wala naman akong karapatan na itanong.



"Pwede naman kaming bumisita sa bahay niyo Miya diba? Let's sleep there also!" Sabi naman ni Ayani na ikinatango ko, oo maarte ako pero hindi naman sa lahat ng bagay ay aartehan ko na.


"Sure kayo? Nakakahiya eh, medyo maliit lang bahay namin hindi gaya ng inyo mansion!" Napatawa naman ako sa sinabi niya, wala naman akong pake kahit maliit pa yan basta makilala lang naman siya ng lubos.


"Ikaw Ayani? What's your story?" Tanong ni Kurt, bakit parang biglaang open forum!?


"Uh Typical girl lang naman ako, compare kay Thana sakto lang din ang pamumuhay namin. We have business pero hindi ganon kalaki. Scholar din ako para naman hindi na ako maging pabigat. Lima kasi kaming magkakapatid ako ang panganay saamin kaya nasaakin ang lahat ng obligasyon, ako ang nanay ng mga kapatid ko, kung si Miya walang tatay ako naman walang nanay. Namatay kasi siya nung huli niyang panganak sa bunso." Ngayong nakikilala ko na sila ng lubos, parang mas gusto ko pang mapalapit sakanila, hindi ko alam na may mga pinagdadaanan din pala sila. Akala ko kasi sobrang hirap na ng akin pero hindi ko alam na meron pa palang mas mahirap ang problema saakin. Kahit kasi naghihirap ako alam kong meron akong Kuya at Mama na magaalaga saakin pero sila? Kailangan pa nilang mag-aral ng maigi para sa kinabukasan nila.



I am so proud of them nakakaya nila ang lahat kahit sa bigat pa ng pinagdadaanan, and I am always here to support them. Kahit anong mangyari hindi ako mawawala sa tabi nila, tutulungan ko sila hanggat kaya ko.


"Ikaw Kurt?" Tanong naman ni Ayani, napaayos naman ng upo si Kurt at nagsimula na magkwento.


"My Father is an Engineer, My Mom is an Architect, and I have one brother. We have a four-year gap. The end."



"That is all?" Tanong ko sakanya, tumango naman siya at tumawa. Kung kay Miya at Ayani sobrang detailed sakanya naman parang kinulang pa sa tela.


Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon