Nakatunganga ako magdamag wala akong naiintindihan sa mga sinasabi ng prof. Kasalanan to ni Aziel, lalo niya lang akong binabaliw. I think it is better to ask kung ano nga ba talaga kaming dalawa, baka kasi mamaya nag-aasume lang ako or baka ganon lang talaga siya sa lahat, pero iniisip ko palang ay parang kumikirot na puso ko.
Siniko ako ni Miya kaya napaayos ako ng upo tinignan ko ang prof, nagtataka akong wala na pala siya sa harap namin. Anong nangyayari?! wala akong naintindihan?!
"Tumayo ka na diyan suspend ang klase natin, kung saan saan ka nanaman napunta." Umiling iling siyang tinitignan ako, huh bakit daw suspend wala namang ganap ah?
"Anong meron?" Inosenteng tanong ko kay Miya. Hindi naman siguro niya nahahalatang malalim ang iniisip ko?
"May meeting daw ang mga prof eh, I think sa foundation day yon kung anong mga gaganapin." Tumango tango ako sakanya, oo nga pala next week na ang foundation day, dati hindi ako umaattend ng ganyan, pero hindi ko lang alam ngayong kasaka ko si Miya.
Hindi namin kaklase si Aziel ngayon kaya hindi namin nakasabay kumain, hindi ko alam kung alam ba niya ang number ko baka kasi hiningi na niya kay kuya, pero dapat pala kinuha ko number niya dahil wala akong contact kung paano ko siya makakausap.
Nagpunta kami ng mall ni Miya at siya naman itong tuwang tuwa, dahil kasama nanaman daw niya ako. Napangiti nalang ako sakanya, Miya is a jolly person and for sure everyone will like her.
"Ang tagal na nating hindi nakapag mall Thana! Tara sa Timezone!!" Biglang nagliwanag ang mukha ko ng marining ang Timezone.
Tinaasan niya ako ng kilay, "Bat parang naexcite ka yata? Nakapunta ka na sa Timezone?" Umawang ang bibig ko ng marinig yon, naalala ko ang ginawa namin ni Aziel sa Arcade.
"Ah yeah first time lang, with a uhm friend." Siningkitan niya ako ng mata, alam kong wala akong kaibigan maliban sakaniya! Pero wala akong ibang maisip na palusot! Hinila niya ako papunta sa Timezone I can see how excited she was. May nabubunggo na kami dahil sa paghila niya saakin kaya nahihiya akong tumitingin sakanila.
Nagliwanag ang mata ko ng makita ulit ito, I think Timezone is one of my favorite things when I go to the mall because I can feel how free I am every time I am playing. I can see some kids enjoying it, and like them, the smiles on their faces are not fading. I want to be happy, too, even for a little while.
Pagkatapos naming bumili ni Thana ng mga tokens ay nagsimula na kaming maglaro, hindi maalis sa isipan ko si Aziel. Ito din kasi ang unang interaction namin and I am thankful talaga na dito niya ako pinunta. Tawa kami ng tawa ni Miya dahil kung ano anong pinaglalaro namin pero sobrang konti lang ng nakuha naming tickets para sana ipalit for the prizes.
Napanguso ako dahil gusto ko nanamang kunin yung yellow bear na nakasabit, mas malaki siya compare sa kinuha namin ni Aziel. Tumingin ako kay Miya para tulungan niya sana akong makuha yung Yellow bear.
"Miya, Let's get that one." Turo ko sa Bear na nakasabit, mukhang kawawa naman yung bear at nahihirapan na kaya ako na ang bahalang kukuha sakanya!
BINABASA MO ANG
Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)
RomanceSurrounded by cruelty and hardship, Thana Aliesha Corstlejen wants to break free from the bitterness, seeking to make her dad proud. She's trying to prove herself in business management, not because she loves it, but to satisfy her father. Aziel Ama...