Chapter 25

40 8 0
                                    


Sa mga sandaling ito, hindi ko alam ang gagawin ko. Paano kapag mag-away sila dito!? Masamang nakatingin si Aziel sa kapatid niya, pero ang kapatid niya ay parang wala lang sakanya. Hinila ako ni Aziel papunta sakanya, nakakunot naman ang noo ni Castiel. 


"Thanaaaa!" Narinig kong sigaw ng isang babaeng patakbo saamin hindi kalayuan, nagtaka ako na bakit pati si Ayani at kurt nandito?!


"Sorry Thana tinawag ko silang lahat, hindi ko kasi alam ang gagawin ko kanina, wala naman akong pinagkakatiwalaan sa palengke kaya wala akong choice na tawagan sila." Natataranta niyang sabi saakin, hinawakan ko naman ang magkabilang braso niya at ngumiti.


"Don't be sorry. It is okay. I am fine." Gumihawa lang siya ng makita niyang okay ako. 


"What are you doing here?" Tumingin kami kay Aziel, nakita kong nandilim ang paningin niya kay Castiel.


"Buying flowers?" Winagayway pa ni Castiel na tila nasisiyahan sa nakikita. 


Nakita kong natigilan sila Ayani at Miya sa nakikita ngayon, pabalik balik ang tingin nila kay Aziel at Castiel, hindi ako mapakali dahil sa tinginan ng dalawa na parang magpapatayan na. Lumapit ako kay Castiel at kinuha ang mga pinamili namin ni Miya, may kabigatan yon kaya tumulong na si Miya sa pagkuha. Hindi ako makatingin sa mata niya, naiilang ako alam kong nakatingin din si Aziel saakin. 


"Uh, thanks for the help. You can go now." Sabi ko kay Castiel ng hindi siya tinitignan. Nagulat ako ng hinawakan niya ang braso ko. I glanced at him I saw his lips rose.


"So you're the girlfriend of Amadeo? What a small world. I think I also know you." He chuckle, inalis ko naman ang braso ko sa pagkakahawak niya. 


Hinawakan ko ang kamay ni Aziel para kumalma siya, napansin ko kasing mabilis ang mga paghinga niya baka hindi niya mapigilan sarili niya at mag-kagulo sila dito.


"See you again, Thana." Nakita kong umalis na siya at kumakaway pang patalikod. Hindi ko naman ineexpect na nandito kapatid niya. 


"Let's go." Aziel said. Kinuha niya ang mga pinamili namin at nilagay sa sasakyan niya. 


"I have my car with me. Can we meet at the condo?" Tinanguan lang niya ako, ganiyan kasi siya kapag galit ayaw niyang kumakausap ng iba maliban lang saakin. Pero ibang iba ngayon ang awra niya. Sinabihan ko din sila Ayani na umuwi na dahil okay ako, masyado na siyang maraming pinagkakaabalahan ngayon. 


"May kapatid si Aziel?" Tanong ni Miya saakin pagkapasok niya sa sasakyan ko, agad ko din pinaandar ang sasakyan. Nakasunod naman si Aziel saamin. 


"Yeah half-brother." Ayaw ko namang magkwento dahil pinagkatiwala lang saakin ni Aziel. Tumango lang si Miya na hindi pa din siya makapaniwala. Ieexplain ko nalang lahat kay Aziel para hindi namin pag-awayan ito. 


Pagkarating namin sa condo, mabigat ang atmosphere pansin ko na yon, binuhat namin nila Miya ang pinamili. Binuhat din ni Aziel ang mga prutas at gulay dahil iyon ang mas mabibigat. Habang nililinisan ni Miya ang ibang karne nakita kong nasa veranda ng sala si Aziel.

Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon