Sa mga nakaraang araw ganon pa din ang nangyari, pinapatawag si Miya sa office ni Dad. Minsan hindi ko na din mahagilap si Miya dahil lagi na siyang nandon, nagtataka ako kung required bang ipatawag siya palagi sa office ni Dad.
"Miya sabihan mo ako kung may masamang ginawa si Dad sayo ha?" I am concerned to her. Minsan ko nalang siya makita at makasama dahil mas madalas na siya sa office ni Dad. I found it suspicious pero ayokong mag-isip ng kung ano ano.
"Ano ka ba Thana keri ko na to, okay lang naman kasi mga files lang din naman pinapagawa kaso ewan kakaiba yon e, diba yung mga folders dapat normal lang yung andon naman black yung kulay." Napakunot naman agad ako noo ko dahil sa sinabi niya, black? how come na black ang folders?
"Basta, tell me if there is something suspicious, ha!" Agad naman siyang tumango sa sinabi ko.
Our intern went go smoothly, mabilis lang din kapag hindi mo titignan sa calendar. Minsan ko lang din nakikita si Dad pero hindi kami nagpapansinan, I don't want to have any conversation with him. Tumawag si Kuya na susunduin daw nila ako dito kasama niya si Levi, hihintayin lang daw ni Levi ang graduation ko bago siya bumalik sa U.S. Sadly, Aziel can't come here because of his business meeting. I noticed Miya was not in her usual mood when we had lunch. Something is bothering her, and I want to know what that is. I don't like to conclude first to avoid issues.
"Miya, are you okay?" I held her hand, and she was shocked.
"Sorry, nagulat ako. Oo naman okay lang may naalala lang." Ngumiti siya ng pilit saakin.
Matapos ang mga files na ginawa ko, nag out na din ako dahil wala naman na akong gagawin. Tinignan ko si Miya sa table niya mukhang malalim nanaman ang inisip niya kaya napakunot ang noo ko. Lumapit ako sakanya para yayain siyang umuwi.
"Are you not going home?" Napapitlag naman siya saakin. Agad siyang nag-ayos ng mga gamit niya at tumayo.
"O..Oo nga pala nakalimutan ko na ang oras. Tara na Thana." Nauna na siyang naglakad saakin.
Pagkalabas namin ng building, I saw Kuya and Levi waiting for us outside. Agad akong tumakbo sakanilang dalawa at niyakap sila, gusto kong sabihin ang nangyari kaso baka pagdudahan agad nila kaya tinikom ko muna ang bibig ko.
"I miss you both," I told them. Ang tagal din naming hindi nagkita kita dahil na din sa busy sila at busy din ako.
"How's Internship?" My brother asks. Actually okay lang naman pero sa nangyayari kay Miya I think there is something more.
"Fine but nakakapagod ng sobra." Umalis ako sa pagkakayakap ko sakanila at napanguso. Miss ko na din si Aziel!
"Let us treat you and your friend." Sabi ni Levi saakin, tila nagningning naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Lumapit ako kay Miya para sabihin na kumain muna kami bago umuwi, tumango naman siya saakin kaya agad kaming sumakay sa sasakyan ni Kuya.
Pumasok na kami sa korean restaurant nacracrave daw kasi sila kuya kaya dito na kami magdidinner. Nagmessage din ako kay Ayani kung gusto niya magdinner kasama kami sabi niya susunod daw siya.
While waiting for our order, nagpaalam si Miya na mag ccr lang daw.
"Is she okay?" My brother asks
"To be honest, she is more stressed than you." Sabi naman ni Levi saakin.
"Hindi ko alam, lagi siyang pinapatawag ni Dad sa office niya, nung una okay okay naman pero habang nagtatagal nag-iiba siya." Hindi ko na kayang hindi sabihin kaya napakwento ako.
BINABASA MO ANG
Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)
RomanceSurrounded by cruelty and hardship, Thana Aliesha Corstlejen wants to break free from the bitterness, seeking to make her dad proud. She's trying to prove herself in business management, not because she loves it, but to satisfy her father. Aziel Ama...