Chapter 17

24 8 0
                                    



Narinig kong lumabas na din sila Miya sa kanilang pinagtataguan dala dala ang banner at cake, tinanong ko nga sila kung bakit may pa-cake pa pero sabi nila for celebration na din daw. Ang lakas kasi ng trip nila sinamahan pa ni Kurt na dapat may pa-banner nag oo naman agad ang dalawa. 


"Wow, you did all of this?" Nakangiting tanong ni Aziel saakin. Bigla naman akong nahiya dahil sa tanong niya, hindi ba dapat ganito? Wala akong idea kaya si Miya at Ayani na ang gumawa para saakin.


"I have no idea what I will do. I want it to be memorable," I said in my small voice. Aziel chuckled and kissed my forehead. 


"You don't need to do this, but I appreciate your surprise. Thank you, love. I am happy that we are finally official. No one can tear us apart now." I hugged him, and he hugged me back.


Matapos ang surprise sakanya, we took a picture buti nalang din napicturan ni Ayani yung fireworks kanina, sakto ding nakikita ang buwan. Nagsimula na din akong magpost sa Instagram ko I tag them with the caption "Official! Thanks to my friends who helped me a lot love you!" Nakita kong maraming mga nagcomments isa na doon si Levi, I don't know but I don't feel awkward at all.


Levi: Wow, I need to meet him. 

Napatawa naman ako sa comment niya, hi-neart react ko lamang iyon. 


After we ate, we decided to go home since it was getting late. My mom texted me congratulations, and my brother told me to go home and explain that. I rolled my eyes when my brother said that. I just answered Aziel! How could I explain that to him?!


Si Kurt na daw ang maghahatid kila Miya at Ayani, kaya naman dalawa nalang kami ni Aziel ang pupunta sa bahay, bakit bigla nalang akong kinabahan? Kasalanan to ni Kuya bakit kailangan ko pang mag explain sakanya? Uh he and his mindset bigla akong nastress!


Pagdating namin sa bahay, naramdaman ko ang kamay ni Aziel sa likod ko hinahaplos niya ito, para kumalma ako. Napansin siguro niya kanina na hindi ako mapakali sa sasakyan, tinignan ko naman siya he smiled at me.


"Don't worry, and It'll be fine, babe." He assured me. I smiled at him and kissed his cheeks. Nagdoorbell ako kita ko naman si mama nagulat ako dahil nakauwi na pala siya. Ang ineexpect ko pa naman na bubungad saakin ay si Kuya. 


"Mom?! Why are you here?! I thought you would be here in December?!" Sabi niya kasi sa call december pa ulit ang uwi niya dito, nagtataka nalang ako na nandito na siya agad without telling me again. She kissed me on my cheeks, tumango lang naman siya kay Aziel ganon si Aziel sakanya. 


"Well surprise? Halina kayo, nagluto ako to celebrate your official relationship!" Namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya, may social media pala si mom. Pagkapasok namin, iniwan ko muna si Aziel sa sala para makapagbihis muna, sa dami kasi ng pinasyal namin sobrang lagkit ko. I do my usual routine and wear a terno silky pajama sets. 


Pagbaba ko naririnig ko na silang nasa dining table kaya doon na agad ako pumunta, kitang kita ko ang seryosong mukha ni Kuya napalunok ako dahil sa kaba. Paano kapag against siya?! Hindi naman siguro diba?! Magkaibigan naman sila kapatid ko naman siya kaya hindi dapat siya maging against saamin!

Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon