Habang nagdra-drive si Aziel, hindi ko maiwasang mapatingin sakanya marami akong gustong itanong sakanya pero siguro mamaya nalang para mahaba haba din ang mapag usapan namin. Nagtanong tanong kami kung saan ang isa sa pinupuntahan ng mga tao dito ito din ang magiging last destination namin dito sa tagaytay, habang binabasa ko ang reviews about dito maganda naman daw at hindi ka daw makakapaniwala sa sobrang gandang view.
Tumingin ako sa bintana, medyo mataas pala dito paano nalang yung mga walang sasakyan edi kawawa silang maglakad pataas, ang maganda naman pwede sila mag hire ng van para hindi na kailanganang lakarin. Habang papalapit kami ni Aziel meydo natatanaw ko na ang mga bundok, kaya naman sobrang excited na ako. Pagkapark ni Aziel halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko.
"So this is why they called it People's Park in the Sky." Bulong ko, Kung matagal ko na sanang nalaman ito baka tumakas na ako at nagpunta dito.
Wow, wala akong masabi just wow sobrang ganda hindi nga kami nagkakamaling pumunta dito. I took a photo, pumunta ako sa pineapple statue gusto ko sanang magpapicture pero nahihiya ako.
"Let me take a photo of you here." Ibibigay ko na sana ang phone ko sakanya pero nilabas niya ang phone niya, wait so sa phone niya ako kukuhanan ng picture?! Na conscious naman ako sa mukha ko, kaya nag-ayos muna ako saglit at nag pose sign. Napapangiti siya every time na kinukuhanan niya ako ng picture, nahihiya ako pero gusto ko pa din magpapicture dito.
Next naman ay napunta kami sa may Wishing Well, kumuha ako ng coins ko at binigyan ko din si Aziel. Ang sabi nila wala naman daw masama mag wish matutupad or hindi nasasayo pa din ang desisyon kung gusto mong tuparin.
"Let's Wish, Azi!" Sabi ko kay Aziel, pumikit ako para magwish.
My wish is that I hope Aziel and I will love until our last breath. We don't know how much time we have in this world, so I hope Aziel is the one for me. I threw the coins on the Wishing Well. Napabaling ako ng tingin sakanya at tinignan ko siya, nagulat ako dahil nakatingin lang din siya saakin, napaiwas agad ako ng tingin at tumikhim.
Next naman ay pumunta kami sa pinakadulo at kitang kita mo dito kung gaano kaganda taal lake at taal volcano medyo malayo lang pero makikita pa pa rin siya dito. Kahit dito na ako tumira hinding hindi ako magsasawang titigan ang view na ito.
Umupo muna kami ni Aziel para makapagpahinga saglit, I think this is the time na mag getting to know kami. Sobrang perfect lang talaga ng view and ng lamig. Binigay muna saakin ni Aziel ang jacket niya para daw hindi ako masyadong lamigin.
"Aziel, nung nakita kita sa mall may kasama kang babae diba? Sino yon? Hindi mo ba girlfriend yon? Narinig ko kasi nag babe siya?" Dahil sa pagiging curious ko sunod sunod na ang natanong ko sakanya, parang nabigla naman siya saglit bago narealize ang tanong ko.
"So you eardrop our convo, huh? Her parents and my parents are also friends. Kakauwi lang nila galing ibang bansa that time. So my mom told me na ipasyal ko muna siya pero ayoko nung una kaso napilitan lang ako but she is not my type." Wow, ang haba ng nasabi niya hindi naman sa binibilang ko pero ang dalang niya lang magsalita ng mahaba.
Tumango tango naman ako, okay naalis na ang kaba ko akala ko pa naman sila, pero buti nalang hindi. "Pero bakit tinanong mo siya kung gusto niya ng singsing?" Sa sobrang detailed ng mga nakita ko kailangan ganon din ang itanong ko.
BINABASA MO ANG
Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)
RomansaSurrounded by cruelty and hardship, Thana Aliesha Corstlejen wants to break free from the bitterness, seeking to make her dad proud. She's trying to prove herself in business management, not because she loves it, but to satisfy her father. Aziel Ama...