Hindi pa din ako makapaniwala na siya ang sinundo ni Aziel sa Airport. Inutusan pala siya ng kuya ko, may deal daw kasi sila kaya hindi na nakatanggi pa si Aziel.
"I missed you!" I told him, I heard him chuckle, and he kissed the top of my head.
"Me too." He carries my hair. Gosh! He is here celebrating Christmas with us!
May narinig akong tumikhim sa likod ko, kaya napabitaw ako ng yakap kay Levi. Natawa naman ako dahil kay Aziel na hindi maipaliwanag ang kanyang mukha, hinila niya ako at hinapit papalapit sakanya. Nakita ko namang umiling-iling si Levi sa harap namin. Nakita ko din sila Ayani at Miya na nakatunganga kay Levi. Well Levi is attractive kaya nga naging crush ko siya, maputi, matangkad, medyo singkit, at kapag ngumiti siya mahuhulog ka talaga sakanya.
Nagpahinga na muna kaming lahat bago magluto para mamayang pasko, ang deal pala nila kuya at Aziel ay kung papayag si kuya na magkatabi kami ni Azi or hindi. Sobrang childish nilang dalawa na pati ang pagtabi namin kailangan may deal na din.
"Love? Is it okay if Castiel is here?" Biglang tanong ko kay Aziel, habang nag aayos kami ng gamit. Natigilan siya saglit at bumalik ulit sa ginagawa.
"Yeah, I won't mind. My mom invited them for Christmas since they didn't have anyone to celebrate it." I glanced at his eyes, and I noticed the sadness and pity in them. I nodded when he said that. Maybe he misses his brother too. Aziel is not that selfish. I know he cares about his brother. I hope someday they will be okay.
Nakatulog kami ni Aziel, pero mas mahimbing ang tulog niya dahil na din siguro sa pagod at puyat. Naalimpungatan ako nakita ko sa wall clock 7 pm na pala, hindi ko na muna ginising si Aziel. Lumabas ako ng kwarto narinig ko na din na maiingay sila kaya agad akong nagpunta. Nandoon na din si Miya nagtutusok ng barbeque si Ayani naman nagbabalat ng mga gulay.
Nakita ko naman si Castiel kasama ang dalawang kapatid niyang naglalaro, bukas magswiswimming kami. Maganda dito sa resort na pinuntahan namin, malinis at malapit lang ang dagat. Pumunta ako sa tabi ni Levi, nakita ko namang nakangiti siyang nakatingin saakin.
"So this is your surprise, huh?" I asked him.
"Yeah, So how are you and Amadeo?" Amadeo huh? Are they that close enough?
"We're fine, doing smoothly. I hope in the future, too." I shrugged. Azi and I never fought ever since we became official, but I know there are more struggles we need to encounter. Hopefully, we can overcome all of it.
"Amadeo is a nice guy. I agree with your brother when Azi asks us if he wants to court you." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya, so nag-uusap na talaga sila bago siya manligaw saakin?
"Paano kayo nagkakilala ni Azi?" Curious na talaga ako, maliban kasi kay kuya, france wala na akong ibang kilalang kaibigan niya. Hindi ko nga alam kung marami ba sila.
"Your brother hasn't told you? We have been friends since high school. Your brother is a senior back then, but we have the same organization. That was the first we encountered each other. We are eight in the group. Some of us are here in the Philippines, and some are in different countries. They know you, but you don't know them." Napatango naman ako sa kwento niya, ganon pala sila nabuo until now magkakaibigan pa din sila.
BINABASA MO ANG
Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)
RomanceSurrounded by cruelty and hardship, Thana Aliesha Corstlejen wants to break free from the bitterness, seeking to make her dad proud. She's trying to prove herself in business management, not because she loves it, but to satisfy her father. Aziel Ama...