KABANATA#1
Andito ako ngayon nag-aantay sa waiting chair ng pintuan ng operating room dahil nga dinala dito si Lola dahil nga may tumawag saking pulis na hit and run accident daw si Lola ng kotse.
Hindi matago ang aking pag-aalala at panginginig sa kaba dahil sobra ang aking pag-aalala kay Lola at hindi din mahinto ang pag bagsak ng mga luha ko sa mata.
Sana nasa maayos lang na kalagayan si Lola, Sana hindi malala yung nangyari sa kanya, Sana hindi kritikal ang kundisyon nya.
“My Princess!”
Napa tingin nalang ako sa gawi na yun dahil narinig ko yung boses ni Dad at kasama nya si Mom. Agad akong tumayo at sinugod sila ng yakap dalawa at tsaka humagulgol sa dib-dib nila.
“Princess! Ayos lang ba si Lola Lita mo?” pag-aalalang tanong sakin ni Dad at agad na pinunasan yung mga luha ko sa mata.
“Hi-Hindi kopo alam!” lumuluhang kong sambit.
“Bakit? Wala pa bang binabalita yung mga doctor sa OR ha?” tanong sakin ni Mom habang hinahaplos yung muka ko.
“Wala pa po! Kanina pa ako naghihintay dito at wala pang doctor yung lumalabas! Kaya nag-aalala ako kay Lola! Baka mapano na sya?!” lumuluha kong sambit.
“Don't worry! My Princess! Magiging maayos lang ang lahat okay?!” pagpapa panatag sakin ni Dad.
“Your Dad's right! Magiging okay lang ang Lola mo okay?!” pagpapa panatag din ng loob ko ni Mom.
“Opo!” sagot ko habang pinupunasan yung luha ko.
Agad na kameng umupo sa waiting chair sa tapat ng pintuan ng OR para maghintay na lumabas yung Doctor para balitaan kame sa lagay ni Lola.
Hinding-hindi ko mapapa tawad ang sarile ko kapag may nangyaring masama kay Lola. Kasalan ko kung bakit sya nandito ngayon sa OR at nag-aagaw buhay, kase nga birthday nya bukas at gusto nya bukas ay gusto nya magkaroon kameng dalawa ng bonding dalawa. Kaya nga nag text sya sakin kanina habang naglulunch ako sa school eh at sabe nya sa text pupuntahan nya daw ako sa school para dalhan ng ginataang bilo-bilo na paburito kong meryendahin kapag pupunta ako ng bahay nya.
Pero ang sabe ko sa text wag na syang pumunta kase mahina na yung buto nya kaya nga mabagal na sya maglakad at malabo na din yung mata nya kaya makapal yung grado ng salamin na pinagawa ko para sa kanya. Tapos iyon may tumawag sa phone ko gamit number ni Lola tapos lalake yung sumagot pulis pala at sabe na car accident daw si Lola kaya dali-dali akong pumunta sa address ng ospital na tinutukoy sakin ng pulis na tumawag sakin.
Maka lipas ng ilang minutong paghihintay namin ay may lumabas na yung isang doctor na naka suot ng green gown na sinusuot ng mga doctor kapag nag-oopera. At agad naman kameng napa tayo at kagad na lumapit sa Doctor at agad nitong tinanggal yung green mask nya at bakas sa muka nito yung lungkot.
“Ahh! Kayo ba yung kamag anak ni Lita Andalio?” malungkot na tanong ni Doctor samin.
“Ahh! Opo! Ako po yung apo nya!” mabilis kong sagot dito. “Teka? Ayos na po ba yung Lola ko? Gising na po ba sya?” sunod-sunod kong tanong na may ngiti pa sa labe.
BINABASA MO ANG
The Badass Princess turn to Nerdy Girl (COMPLETE)
RandomMay isang na paka gandang babae na pinagpapantasyahan ng lahat dahil sa angkin nyang kagandahan at dahil na din sa ganda ng hubog ng katawan nito at hindi lang yun isa din syang Gang Leader kaya nga ang bansag sa kanya ay Badass Princess ng Campust...