III

140 6 0
                                    

KABANATA#3

Celistina's P.O.V

Ayun abala ako ngayon sa paghuhugas ko nang mga pinag kainan ko dahil nga sabado ngayon at kailangan kong linisin yung buong bahay.

Simula ng bumukod ako ng tinitirahan kila Mom at Dad ay sinikap kong kayanin ang lahat. Laking rich kid kase ako pero kahit ganun kaya kong gawin lahat ng gawaing bahay tulad tiga-laba, tiga-walis, tiga-luto, tiga-saing, kaya nga tigasin ang Lola nyo! Hehehe.

Kase noong bata pa ako lage akong tinuturuan ni Lola Lita kung paano gawin ang mga gawaing bahay kase yun yung nakikita ko sa kanya noong bata pa ako kaya gusto ko din gayahin.

Kase ganito yun si Lola Lita hindi ko talaga sya tunay na Lola at di ko din sya kamag anak dahil nga yaya ko lang sya since bata ako... hmmm i know hindi pa ako pinapanganak ay katulong na si Lola Lita nila Mom at Dad.

Siguro nagtataka kayo kung bakit close na close ko si Lola Lita kesa sa sarile kong magulang? Kase ganito yun baby palang ako non siguro mga nasa 5-6months palang ako ay pina alaga na agad ako nila Mom at Dad kay Lola Lita kase nga masyado silang abala sa business ng company namin kaya nga simula noong bata at magka sarile akong pag-iisip abala na sila sa business ni wala na nga silang time sakin eh, pero si Lola Lita andyan para gabayan ako lage kumbaga sya na yung pumuno sa pagmamahal at panahon na hindi na ibigay nila Mom at Dad sakin noong bata ako na hinahanap-hanap ko sa kanila.

Nakakainis lang noh iisa na nga lang akong anak nila hindi pa nila na alagaan at mabigyan ng time! Edi dapat ipinutok nalang ako sa kumot kung ganito lang mangyayari diba? Tapos magtatanong sila sakin kung bakit ganito ugali ko... duhh malamang kasalanan nila malamang ng kasalanan ko. Tsk!

Sorry guys ha! Minsan talaga lumalabas yung dati kong side kapag inaalala yung mga ganung bagay. Nagiging Zhristine ako! Ako naman kase yun kaya normal lang na lumabas yung ganung side ko duhh..

Back to Reality...

Ayun ipinag patuloy kona yung paglilinis ng buong bahay katulad ng pagwawalis, paglalampaso, at pag-aayos ng mga gamit, at pagpupunas ng mga bintana kaya malinis na yung buong bahay.

Agad akong napa higa sa mahabang sofa dito sa may sala dahil sa pagod ko sa paglilinis at pinunasan yung leeg ko ng towel dahil basang-basa na ako ng pawis at halos maligo na ako sa pawis ko.

“Hayyys! Kapagod!” singhal ko dahil sa sobrang pagod.

Halos limang minuto na akong naka higa sa sofa at kumukuha pa ng lakas dahil nga pagod pa ako pero may bigla nalang kumatok.

*Tok! Tok! Tok!*

At sino yung mga istorbong yun na sinisira yung pahinga ko? õ__õ

Kaya wala ako kagana-ganag tumayo ng sofa ko at naglakad papuntang pintuan para pagbuksan yung istorbo sa labas. o__o

“Anong kailanga---

Napa hinto ako sa pagsasalita ko ng makita sila Mom at Dad at naka pormal lang ang pananamit nila. Kase ang sabe ko kapag pupunta sila dito para dalawin ako ay kailangan simple lang yung pananamit nilang dalawa.

Pero anong ginagawa nila dito?

“Mom, Dad?? What are you doing here?” cold kong bungad na sambit sa kanila.

Bago nila sagutin yung tanong ko pumasok muna sila at sinara kona yung pinto ng loob ng bahay at nagulat naman ako ng bigla akong yakapin nila Mom at Dad ng mahigpit. At dama ko sa yakap nilang dalawa kung gaano nila ako ka miss dalawa.

The Badass Princess turn to Nerdy Girl (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon