A/N: Mag VOTE naman kayo parang awa nyo na ╥﹏╥ Matatapos na yung story ko pero onti pa lang yung VOTE ᕕ( ཀ ʖ̯ ཀ)ᕗ

Kabanata# 21

Javier's P.O.V

“Kung maibabalik ko lang yung oras at panahon ginawa ko na para lang maka sama kayong lahat pero hindi eh! Wala tayo sa fictional world at nasa realidad tayo! Kailangan talaga natin masaktan para matuto!” seryosong sambit ni Zris samin habang tumutulo yung luha nya sa mata.

At nang matapos nyang sabihin yun tumakbo na sya palabas ng hide-out.

Kita ko naman napa hikbi at luha sila Zyrell, Elvera, Kyori, Alisa, Aryanna ng umalis si Zris. Kita mo talaga sa kanila na gusto na nila bumalik si Zris sa grupo nila.

“Gusto ko na sya bumalik!” humihikbing sambit ni Kyori.

“Ako din! Miss na miss ko na yung dating sya!” humihikbi ding sambit ni Elvera.

“Alam ko sa sarile ko na hindi ko sya kayang tapatan bilang leader ng grupo natin, bilang Queen kase sya lang makaka gawa non!?” napa punas luhang sambit naman ni Zyrell.

“Maibabalik pa kaya natin sya?” lumuluhang sambit ni Aryanna.

“Oo nga! Kase halata naman na ayaw nya na satin!?” nawawalan pag-asang sambit ni Alisa habang lumuluha.

Habang nag-iiyakan sila ay bigla kong na pagtanto yung mga sinabe ni Zris kanina bago sya umalis. Hindi nya talaga gusto na iwasan at iwan kame dahil ang gusto nya lang maprotektahan kame dahil ayaw nyang may manakit samin dahil takot sya na mawala kame sa kanya kaya sya nagkaka ganun.

Ang engot ko para di maintindihan agad yun💢

“Ngayon ko na narealize na dapat pala na di tayo sumuko!” seryosong sambit ko at napa tingin naman silang lahat sakin.

“What do you mean?” kusot noong tanong ni Zyrell sakin.

Hindi ko na sinagot yung tanong nya sakin at agad na ako lumabas ng hide-out namin para mag madaling sundan si Zris dahil alam ko di pa sya masyado nakaka layo.

“Zris! Were are you?” sigaw ko habang tumatakbo habang hinahanap sya.

Agad akong huminto sa pagtakbo at nilibot yung paningin ko sa paligid at naka agaw ng paningin ko taong naka sandal sa puno habang naka upo. Agad kong kinuha yung phone ko at nag flash light at nilapitan ito at nakita kong si Zris nga yung naka upo at naka sandal sa puno at wala syang malay.

Siguro kaya sya hinimatay dahil sa kakaiyak? Kase kabisado ko na itong babaeng toh kase once na umiiyak sya at sobra syang na dala ng emosyon nya ay maninikip yung dib-dib nya at hihinatayin sya.

Dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kanya ay agad ko syang nilapitan at binuhat na parang bagong kasal.

Agad akong nagmadali na naglakad habang buhat-buhat ko sya papuntang hide-out at pagpasok ko sa loob ay nagulat silang lahat ng makitang walang malay si Zris kaya agad silang napa tayo lahat at lumapit sa amin.

“Javier! Ano nangyari sa kanya?” bungad na pag-aalalang tanong ni Zyrell sakin.

“Noong hinahanap ko sya nakita ko may taong naka sandal sa may puno at naka upo at ng lapitan ko nakita kong sya pala yun?!” kwento ko sa kanila at agad na umakyat ng kwarto at inihiga si Zris sa may kama. Meron kase silang sarileng kwarto dito sa hide-out nila.

Agad naman  silang sumunod sakin sa may kwarto dahil lahat sila nag-aalala sa kalagayan ni Zris.

“Siguro kaya sya hinimatay dahil sa kakaiyak nya dahil na puno sya ng emosyon kanina?!” may puntong sambit ni Elvera.

The Badass Princess turn to Nerdy Girl (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon