Kabanata. 18
Celestina's P.O.V
Lunch na ngayon at pumunta kameng apat nila Ivy, Danjie, Brianna dito sa cafeteria para bumili ng pagkain namin at para dumiretso na sa gym. Kase kanina pa kame nandoon kase may ginaganap na program doon at lahat ng mga estudyante ay nanonood.
Maraming estudyante dito ngayon sa cafeteria kaya naka pila kameng apat para maka bili ng makakain namin.
At habang naka pila kame at biglang nag flashback sa utak ko yung nangyari noong isang araw. Yung habang naglalakad ako papasok ng school ay nakita kong nakiki pag rambulan si Javier kasama yung grupo nya, at sa kamalas-malasang araw na yun ay na damay pa ako sa gulo nila at minanyakan ako nang ka away nila.
Pero yung di ko malimutan noong araw na yun ay binugbog nya nang todo yung bumastos sakin na akala mo papatayin nya na ito sa bugbog.
Naiintindihan ko naman kung bakit nya yung ginawa pero sobra-sobrang pangbubugbog naman yung ginawa nya sa tao. Kahit nga mag makaawa na yung lalake sa kanya ayaw nya pa tigilan mukang balak nya talagang patayin eh.
Kung hindi ko pa sya niyakap di sya titigilan yung lalake eh. Teka? Bat ko nga ba sya niyakap >~< ? Ano bang pumasok sa utak ko noong panahong yun.
“Oii! Bakla!” gulat sakin ni Brianna dahilan para mapa balik ako sa realidad.
“Ano yun?” tanong ko sabay tingin sa paligid at nag tawanan naman silang tatlo.
“Oii! Sis! Okay ka lang? Hahaha!” natatawang usal ni Ivy sakin.
“Oo nga! Kanina kapa tulaleng dyan?!” natatawang usal naman ni Danjie.
“Bakit? Ano bang nangyari? Ano bang meron?” kamot batok kong tanong sa kanila.
“Tinatanong ka ng lunch lady anong order mo! Tulaleng! Hahaha!” pang-aasar sakin ni Brianna.
“Ahh! Ganun ba?” natatawang usal ko habang nagkakamot ng batok.
Sa sobrang tulaleng ko ay di ko namalayan kame na pala yung nasa unahan.
“Anong order mo ija? Paki bilisan at marami pang naghihintay sa likuran nyo?!” sabe sakin ng lunch lady.
“Ahhmm! Isang nissen cup noodles tapos mamon cheese cake, at C2 po yung malaki!” sabe ko sa lunch lady at binigay yung pera ko.
Nang makuha na namin yung order ko ay marahan kameng naglakad papuntang gym kase baka mapaso kame kung magmamadali kase nga bagong kulo yung tubig na nilagay sa nissen cup noodles ko.
“Oii! Sis! May problema kaba na hindi mo sinasabe samin?” biglang tanong sakin ni Ivy at kumagat ng cheese dog.
“Oo nga?! May problema kaba?” tanong naman ni Danjie at tumungga ng coca-cola sa bottle nya.
“Like what?” sagot ko naman at marahan na humigop ng sabaw ng nissen.
“Kase ba naman nitong mga nakaraang araw ka pang tulaleng marami ang iniisip!” sambit naman ni Brianna sakin.
“Ahhmm! Wala naman?! Sadyang tulaleng lang ako dahil stress sa mga school work natin!” sagot ko.
“Sa bagay tama ka dyan nakaka stress nga talaga school work natin!” napa singhal na sambit ni Brianna.
“Sarap pumunta ng mars!” loka-lokang sambit ni Danjie.
“Tama! Atleast doon walang exam at tesis!” loka-lokang sambit naman ni Ivy.
“Haynako! Magkambal nga talaga kayo!” natatawang sambit ko sa kanila.
Habang nagpapasok kame ng gym ay naka dinig kame ng usap-usapan ng mga estudyante.
BINABASA MO ANG
The Badass Princess turn to Nerdy Girl (COMPLETE)
RandomMay isang na paka gandang babae na pinagpapantasyahan ng lahat dahil sa angkin nyang kagandahan at dahil na din sa ganda ng hubog ng katawan nito at hindi lang yun isa din syang Gang Leader kaya nga ang bansag sa kanya ay Badass Princess ng Campust...