XXVII

33 2 0
                                    

Zhristine’s  POV

SERYOSO kami ngayong lahat ng mga team meats ko sa laro dahil may rematch kami sa ibang university dito sa school namin. Kaya marami ang nanonood sa amin na mga estudyante ng school namin mula sa ibang courses na fan ng baseball team namin para i-support kami ng team at nandito 'yung mga estudyante ng basketball team ng kalaban naming university para suportahan ang team nila.

Lahat kami ay seryoso sa pakikipaglaban dahil malalakas ang mga kalaban namin. May ibang magaling talaga pero may ibang dinadaan sa daya.

Kaya lamang score ang lamang ng kalaban namin dahil sa ibang mandaraya.

BACK TO REALITY.

Nandito ako sa pwesto namin, naka upo habang pinagmamasdan ang laro.

Napa ngisi ako nang si Zamuel na ang magpi-pitch.

“Magsi handa na kayong mga kupal kayo!” rinig kong singhal ni Franz.

“Ginalit niyo ang pinaka magaling naming pitcher, ha!” rinig ko ring singhal ni Gill.

“Wala namang problema sa ibang player dahil naglalaro sila ng patas pero ‘yung iba talaga ay madadaya.” puntong sambit ni Arkin habang nag aalisa sa laptop niya.

“Kapag na tapos na ni Zamuel ang gagawin niya ay tsaka ko na ipapasok si Celestina.” sabi naman ni Coach na seryoso ang tingin sa laro.

“Coach Lucas. Pwedeng kahit na Third base na lang muna ako, kasi iinip na ako kakahintay dito.” inis kong sambit kay Coach.

Maya-maya ay nagulat na lang kami nang biglang dalhin nila Tobi at Zayn si Yuri na may injured ang kaliwang paa.

“Coach. Hindi na namin kaya ang pandaraya ng iba nilang grupo!” inis na singhal ni Zayn.

“Sabi ko na nga turn ko na 'to!” naka ngisi kong sambit at agad na sinuot ang baseball cup ko.

Agad naman napa buntong hininga si Coach. “Don't worry coach. Tatanggalin ko sungay nila!” naka ngisi kong sambit kay Coach at tinapiktapik ang balikat niya.

Kaya agad na umupo si Yuri sa pwesto ko at nakipag apir sa kan'ya na ibig sabihin na ako ang papalit sa pwesto niya.

“Go! Celestina!” pagche-cheer sa akin ni Yuri.  “Pakainin mo sila ng lupa!” karagdagan niya.

“Sige, sabi mo e!” kindat ko sa kan'ya.

Agad na inannounce ng emcee ng laro na ako ang papalit sa pwesto ni Yuri kaya narinig ko ang malakas na tilian at hiyawan ng mga fans ko.

Napapagitnaan ako sila Zayn at Tobi at maangas kaming naglakad papunta sa pwesto namin.

Agad kong itinapak ang isa kong paa sa tiles at 'yung isa sa lupa. Angas ng postura ko. Hehehe.

Napa sulyap ako sa pwesto ng mga kaibigan ko na sobrang lakas ng cheer-up sa akin. Hindi ko maiwasang matawa dahil bumabalik ang pagiging bakla ni Bryan, samantalang ang bebe kong si Javier ay kalma at chill lang habang pinagmamasdan ako.

Lamog siya sa halik ko mamaya. Nakaka in love talaga ‘yung ganyang side niya.

Agad na akong nag seryoso at tinuon ang atensyon sa laro dahil magsisimula na at bahagyang napa sulyap sa gawi ko si Zamuel at sinenyasan ako ng tingin at kindat naman ang itinugon ko.

Tulad nga nang inaasahan ko ay nag-iinit sa laro si Zamuel dahil sa pandaraya ng ibang team na madadaya ng kalaban naming team.

Sunod-sunod na strike ba naman ang tira niya kaya hindi ko maiwasang matawa, kaya napa tingin sa akin ang ibang madadayang team at nagsi kusutan ang noo dahil na inis sila sa tawa ko.

The Badass Princess turn to Nerdy Girl (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon