VII

119 3 0
                                    

Kabanata. 7

Continuation....

Kentavious's  P.O.V

Matapos kalabanin ng mga kaibigan ko yung mga gang na bumubugbog kay Zris ay may dumating na mga pulis kase kanina tumawag na ako sa mga pulis habang na tatanaw palang namin sa malayo yung rambulan.

At hindi ko lubos maisip na si Zris pala yung kumakalaban sa mga yun eh samantalang dose yung kalaban nya at sya nag-iisa lang. Grabe talaga tong babaeng toh ang tapang-tapang hindi pa din sya nagbabago katulad pa din sya ng dati na lage kong nakikita sa daan na may karambulan sya kasama yung mga gang member nya. Haayyss! Kababaeng tao may gang sya at sa ganda nyang yan.

Haynako! Kung ako lang talaga yung boyfriend nya noong panahong yun at hindi si Javier siguradong titino sya. Pero anong magagawa ko eh si Javier ang mahal ni Zris kahit na matagal na akong may feelings sa kanya.

At balita ko ay matagal na daw nag break si Javier at itong si Zrist simula ng mabalitaan naming namatay yung Lola nya? At tsaka 2years din syang na wala kaya nga sobra ko syang na miss pero di ko lubos akalain na makikita ko ulit sya after 2years na nakiki pag rambulan sa mga basag ulong mga kalalakihan at kababaihang toh.

Pagka huli ng mga pulis sa mga basag ulo na mga babae't lalake na toh ay buhat-buhat ko pa din si Zris at dinala sya doon sa may mansyon ko at inihiga doon sa mahabang couch sa sala. Agad naman akong binigyan ni Mclenon ng mga first aid kit dahil nga gagamutin ko yung mga pasa nya sa muka at sa braso.

“Tsk! Tsk! Tsk! Kababaeng tao may mga ganito ka daming pasa at sugat dahil sa pakiki pag rambulan at may black eye din!?” panghihinayang kong sambit habang patuloy na  ginagamot yung mga pasa at sugat nya sa braso at muka gamit yung bulak na nilagayan ko ng betadine.

Pero hindi ko mapigilang hindi mapa tingin sa maamong muka nito dahil sobrang ganda nya sa malapitan kahit na may pasa-pasa yung muka at black eye sa mata.

“Oii! Captain! Baka matunaw yang si Zrist dahil sa kakatitig mo!?” rinig kong pang-asar ni Meyers.

“Oo nga! Hinay-hinay lang!” pang-aasar din ni Mclenon.

Agad ko naman silang nilingon at kinusutan ng noo.

“Nag-aalala lang ako sa tao kaya ako naka tingin sa kanya kaya wag nyong bigyan ng kahulugan!” seryosong sambit ko sa mga toh habang naka kusot yung noo.

“Okay sabe mo eh!” hindi naniniwalang sambit ni Mclenon.

“Alam mo Ken?... Hindi masamang umamin na gusto mo pa din yang si Zris hanggang ngayon dahil halata namin yun sayo!?” sabe naman sakin ni James kaya na baling ko yung atensyon ko kay Zrist na hanggang ngayon wala pa din malay.

“At tsaka ano namang masama kung ligawan mo man si Zris diba?” rinig ko namang sabe ni Cyruz kaya napa tingin ako sa kanya.

“What do you mean?” kusot noong sambit ko.

“Diba matagal na silang wala ni Javier kaya may chance na maging kayo kung liligawan mo sya?!” may puntong sambit nito sakin.

“Pero? Alam nyo naman na kaya sila nag break dahil nga sa pagkamatay ng Lola ni Zris at alam kong hindi pa din handa si Zris sa ganyang bagay!?” seryosong sambit ko sa kanya.

“At tsaka may problema pa!” biglang sambit ni Mclenon dahilan para mapa tingin kameng apat sa kanya.

“Ano yun?” tanong ko sa kanya.

“Diba yung pinsan mong si Jayden baliw na baliw din dyan kay Zris! Siguradong magkaka rambulan kayo ng pinsan mo kung nagka taon?!” may puntong sambit ni Mclenon sakin.

The Badass Princess turn to Nerdy Girl (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon