XXIX

50 2 0
                                    

Zyrell’s  POV

ENJOY ako ngayon sa pagbibilad sa araw dito sa may tabing dagat. Ininvite kasi kami ni Javier na mga kaibigan niya na pumunta dito sa resort ng Lola niya dahil 67th birthday nito.

“Nakaka-miss talaga mag dagat!” sambit ko habang naka higa sa relaxing chair at dinadama 'yung sikat ng araw.

“Ang dami ba naman ganap e.” rinig kong sabi ni Ariyanna.

“Na miss ko magsuot ng swimsuit!” rinig ko namang sabi ni Alisa.

Magkakasama kami ngayong lima sila Kyori, Alisa, Elvera, Aryanna na mag bilad sa araw. Kaya agad kong tinanggal sa mata ko ang shade at ipinatong sa ulo ko at nilingon sila dahil magkakatabi lang kami at hile-hilera.

“Na miss ko na rin 'yung alat ng dagat!” pilyang asal ni Kyori.

“Akala ko nga habang buhay na lang nasa aparador ko itong two-piece ko!” hirit naman ni Elvera.

“Mabuti na lang at 3 days tayo dito!” Tuwang-tuwa na parang bata na sambit ni Aryanna.

“Para naman kayong mga ignorante!” saway ko sa kanila.

“Nasan na pala ang bebe mo, ha?!” biglang change topic ni Kyori.

“Oo nga?! Where's my Baby Fudge!” napa bangon kong sambit dahil biglang pumasok sa isip ko si Bryan.

Pinabili ko lang kasi siya manggo graham shake, pero 40 minute na siyang wala.

“Ano ba 'yang CS niyo, ang cringe!” pang-asar ni Kyori.

“Dapat ginawa niyo na lang Fudgeebar!” ideya ni Alisa na may mapang-asar na tono.

“Inggit lang kayo kasi wala kayong love life, maghanap kaya kayo ng sa inyo at hindi 'yung aasarin niyo 'yung CS naming dalawa ng Baby Fudge ko!” usal ko sa kanila.

“Baka mahaba ang pila doon sa bilihan ng manggo graham shake, kaya siya matagal?!” sambit ni Elvera.

“O kaya naman ay pinagkakaguluhan na siya ng mga girls doon sa bilihan kaya siya na huli! Pa'no kana n'yan, sis!” pangdedemonyong sambit ni Aryanna sa akin.

Dahil sa sinabi nito ay bigla akong napa overthink ni Aryanna.  What if may mga lumalandi talaga sa kan'ya kaya siya na tagalan? What is pinipilit siyang dalhin ng malalanding babae sa kwarto nila?

“Shit! No way!” napa tayo kong sambit nang maisip ang mga bagay na 'yun.

Kita ko naman na binatukan ni Elvera si Aryanna.

“Aray!” sigaw ni Aryanna kay Elvera.

“Sira ulo ka talaga, noh! Alam mo naman na seloso at overthinker si Zyrell tapos kung anong sasabihin mo!” panenermon ni Elvera kay Aryanna.

“Demonyo kasi siya!” hirit sa kanila ni Alisa.

“Hindi talaga mawawala sa grupo natin 'yan.” sabi naman ni Kyori habang dinadama ang sikat ng araw sa katawan niya.

Na wala lahat nang pangangamba ko nang makita ko sa kalayuan ang na paka gwapo kong nobyo na naka suot ng white sando at light green hawaian short. Kahit na natatakpan ang katawan nito 'yung sando na suot niya ay kapag na tatamaan ito ng hangin ay bumabakat ang muscle niya sa dibdib at six put abs niya.

“Guys! May balde ba kayo d'yan, baka magbaha ng laway ni Zyrell dito kakatitig sa boyfriend niya!” rinig kong sabi ni Aryanna.

“Paki punas 'yung laway mo, mhie!” pang-asar naman ni Kyori.

“Kunlari hindi namin nakita! Hahahaha!” tumatawang sambit ni Alisa.

Kaya agad kong kinuha sa relaxing chair 'yung balabal ko at pinunasan 'yung bibig ko dahil tumutulo pala 'yung laway ko habang pinagmamasdan si Bryan na papalapit sa amin.

The Badass Princess turn to Nerdy Girl (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon